Kabanata 7

7 1 0
                                    

—Liram——

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

—Liram——

"Tara tara, umalis na tayo dito." Pabulong na sabi ko sabay kalabit kay Bagis. Umalis kami sa pinagtataguan namin, gamit ang mahika nakabalik kami kaagad sa puno kung saan nakita ni Mikan ang gintong ohas ni Engkantres Liwa.

"Hindi ata talaga alam ni sangko ang tungkol sa alamat ng gintong ohas." Sabi ni bagis.

"Walang duda. Mahilig siya magbasa ng alamat pero iyong alamat lamang na may kaugnayan sa nawawalang lungsod ng Sinag."

"Napansin ko rin yun. Ano pala ang meron sa nawawalang lungsod ng Sinag? Bakit parang gustong-gusto niya itong malaman kung saan?"
Tanong ni Bagis. Agad nag-iba ang emosyon ko sa mga tanong niya kaya hindi ko ito sinagot.

"Wag ka ng magtanong." Sabi ko sa kanya.

"Ang damot mo talaga." asar na sabi niya.

Wala akong pakialam.

"O, nakabalik ka na. Ano'ng nangyari sa pulang liwanag?"

"Nawala. Para saan ba yun?"
Nasampal ni Bagis ang noo niya.

"Ha-"Nasabi niya na may kasama pa'ng iling.

"Kalimutan mo na yun. Saan tayo unang pupunta?" Tanong ko. Agad na sumagot si Bagis.

"Sa ilog Rara! Maganda raw ang tubig doon. Malinis at malinaw. Masagana rin ito kaya pwede tayong mangisda habang magtitimpasaw sa tubig-E? Bakit mo hinawakan ang leegan ng damit ko sangko?"

"Doon tayo sa kagubatan ng Siba." Ani ni Mikan saka hinila si Bagis paalis.

"Ha~~a! Ayoko! Waaahh! Ayoko dun. Nakakatakot dun! Ayoko! Ayoko!" Pagpupumiglas niya pero hindi siya pinakinggan ni Mikan.

"Ilang beses ka nang nakaharap ng iba't-ibang nakakatakot hanggang ngayon takot ka pa rin?" Sabi ko sa kanya. Naluha-luha siyang tumingin sa akin.

"Paano mo malalaman ang iyong lakas kung hindi mo ito gamitin sa totoong laban?"

"Aa~a! Ayoko!Hindi ko sila kaya! Sangko maawa ka sa akin."

"Hindi. Hanggat hindi mo makikita ang iyong kakayahan."

"Nakita ko na ingko! Nakita ko na!"

"Wala ako'ng narinig."

"Hindiiii!" Malakas na sigaw niya. Umalingawngaw ito sa boung Arya.
.
.
.
.
.
.

—Bagis——

Nanginginig ang tuhod ko pagkapasok namin sa kagubatan ng Siba.
Madilim ang loob ng kagubatan at bumalot dito ang makapal na hamog. Idagdag mo pa ang mabibigat na awra sa paligid-Nakakapanindig balahibo.

Ayoko dito!

"sangko.." Tawag ko kay sangko Mikan atsaka inabot siya, ngunit napatigil ako nang wala ako'ng sangko na nahawakan.

Eee~mm!

Bumaling ako kay Liram upang sa kanya ako lumapit ngunit wala na rin siya sa tabi ko.

"Liram..? Sangko?" Nanginginig na tawag ko sa kanila habang pilit silang hinahagilap. "sangko! Huwag niyo ako'ng iwan dito, Hooy! Liram, asan ka? Aaaaa! Ayoko dito! Ayoko dito!" Natatakot na sigaw ko at nagtakbo sa kung saan."Wag niyo ko'ng iwan dito! Waahhh sang..." Natoud ako nang may kung anong tumulo sa ulo ko."...ko."pagtatapos ko sa sasabihin ko sa mahinang-mahina na boses. Nanginginig na inangat ang kamay ko upang alamin kung ano iyon.

Malagkit

Hindi ito tubig. Dahan-dahan ko'ng itingala ang ulo ko. Halos lumuwa ang mata ko nang may nakita ako'ng wakwak sa ulunan. Gumawa ito ng tunog na para bang may nakitang tanghalian.

"Aaaaaaaa!!" Malakas na sigaw ko at saka kumaripas ng tumakbo. "Owa!wa!waaaa!"
Bigla na lang may lumitaw na nakasout ng puting damit sa harap ko. Sa pagkakataon na ito halos humiwalay ang balintataw sa mata ko.

 Sa pagkakataon na ito halos humiwalay ang balintataw sa mata ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Mu-multo!! Aaaaaa!!" malakas na sigaw ko at lumiko ng daan. Pero hinabol ako nung wakwak at nung multo.

"Huwagniyokongsusundan! Huwagniyokongsusundan!Waaaa!!"
Duguan na multo naman ang humarang sa akin. Pumreno ako at tumakbo sa ibang deriksyon.

"Wo! Wo! Waaaaahhhh!" Nilingon ko ang mga humabol sa akin at nanlaki pa lalo ang mata ko nang makitang parami sila ng parami.

"Ayoko naaaa!!"naluluhang sigaw ko.

AAAAAAAAHHHHH!!!





**.....

WO!! PATI AKO NATAKOT!

Ako nung in-upload ko ang larawan ng multo. 😱

Engkanta :Unang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon