Kabanata 33

4 1 0
                                    

—Tagapagsalita——

"E?" Takang ani ng isang engkantre ng lawiswis nang makita si Punong Imoy na naglakad papasok sa nayon.

"Bakit engkantre bugko?"
Takang tanong ng isa pang Engkantre nang mapansin ang pagtataka sa mukha niya.

"Hindi ba't kakaalis lang ni Punong Imoy?" Takang ani niya sa kasama.

"Oo nga no?"
Agad nilang sinalubong si  Punong Imoy. Nagbigay galang sila bago nagsalita.

(Konting paalala: Ang angkan ng lawiswis ay kilala sa pagiging elegante, mula sa pagsout ng damit, tindig, lakad, kilos at maging sa pakikipaglaban. Malalaki man o babae, matanda, o bata lahat sila ay eleganteng kumilos.)

"Punong Imoy, May nakalimutan po ba kayo?" Tanong niya dito.

"Nakalimutan?..wala naman." Sagot ni Punong Imoy.

"Ganun po ba? Ang bilis po kasi ng balik niyo." Ani ng engkantre na ipinagtaka ni Punong Imoy at Engkantre Pawi.

"Tatlong oras naming nilibot ang boung nayon, Paano mo nasabing ang bilis ng balik namin?" Ani ni Punong Imoy na may striktong mukha.

"Po? Ngunit kanina pa po kayo naka-uwi galing sa paglilibot tapos umalis din kayo ilang minuto ang nakalipas."

"Bugko,Sigurado ka ba sa nakikita mo?"

"Opo, Engkantre Pawi. Hindi ka po kasama nung umuwi si Punong Imoy kanina. Siya lang po mag-isa."

"Patunugin ang kampana." Nagtaka si Engkantre Bugko sa sinabi ni Punong Imoy. "Pawi,sundan mo ang sinasabi nilang ako, isama mo si bugko. Kayong tatlo sumama kayo sa kanya." Turo niya sa tatlong Engkantre.

"Masusunod Puno." Ani ni Engkantre Pawi. "Tayo na!" At lumipad paalis sakay ng talulot.

Nagsilabasan naman ang mga Engkantre't Engkantres mula sa iba't ibang angkan.

"Magsikilos kayo kayo at tiyakin ang paligid." Utos ni Punong Imoy sa mga Engkantre't Engkantres.

"Masusunod." Saka sila nagliparan palabas at nilibot ang nayon.
.
.
.
.
.

"Engkantre Bugko saang direksyon siya pumunta?" Tanong ni Engkantre Pawi.

"Dito po Engkantre Pawi."

"Engkantre Pawi ano po ang nangyayari?"

"Magkasama kami ni Puno sa paglilibot sa bayan at magkasama rin kaming umuwi."

"Kung ganun hindi si Punong Imoy ang umuwi kanina?"

"Ganun na nga."

N A N G  marinig ng ibang angkan ng sektor ang kampana agad na lumabas ang mga Pinuno ng iba't-ibang angkan sa sektor ng bugso.

"Isara ang pananggalang!" Agad nilang utos.

Agad na tumakbo ang mga Engkantre at pinaghahampas ang Tambol na nakalinya sa labas.

"Isara ang pananggalang!!"

"Babala?" Ani ng asawa ng Pinuno.

"Tiyakin ang paligid. Hulihin ang sinumang kahina-hinala."

"Masusunod Puno."
Agad na umalis ang mga engkantre.
.
.
.
.

"Ayun siya!" Sigaw ng isang engkantre ng lawiswis.
Ngumisi ang lalaki nang marinig sila.

"Hindi ko inaasahang masusundan nila ako kaagad." Aniya tumagilid siya ng lipad upang iwasan ang tira ng mga Engkantre.

"Tigil!" Sigaw ni Engkantre Pawi sabay tira ng mahika,iniuwasan ito ng engkantre at binilisan pa lalo ang lipad.

Engkanta :Unang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon