"Pagkakamali"

15 3 0
                                    

Nasa posisyon ako ngayon
Kung saan walang patutunguhan
Walang kanan,walang kaliwa
Deretso lng sa di siguradong daan

Gustuhin mang makawala
Sa hawla ng kawalan
Ay di ko man lang magawa
pagkat nakatali ang aking mga paa

Naka sara ang aking bibig
Ngunit aking nakikita
Pagkat di ako bulag
Ayoko ko lang mapasama

Ayoko lang matahin ulit ako
ng mga taong minsan ko ng pinagkatiwalan
ngunit sila pala tong dahilan
Kung bakit ako nasisira

Dati naman ako'y malaya
ngunit tinali nila ako at ikinulong
Sa hawlang punong puno
ng mga negatibong bagay

Kahit pilit kong tanggalin
ang lubid na nakatali sa aking mga paa
Ay patuloy nila itong hinihila
Pababa..ng..pababa

Ibinabalik nila ako
Sa posisyon nang kawalan
Na sa bawat pag hakbang ko
hindi ko alam kung saan tutungo

Paurong ba? O pasulong?
gagawa paba ako nang desisyon?
Kung ang lahat ng mata nila'y
Sakin palagi naka tuon

Hinihintay lang nila
Na maka gawa ako ng maling desisyon
Upang doon nila ituon
At punain nila ako't hanggang sa ako'y mabaon

Ngunit sa lahat ng nagawa kong tama
hindi nila yun nakita
Wala silang pakealam
Ang gusto lang nila ako ay mapuna

Isang pagkakamali,dahil dun
Huminto akong mangarap
Nabura ang mga pangarap ko
Na dati'y sintaas alapaap

Nawalan ako ng malalapitan
Pati yung mga kaibigan
Na akala ko walang hanggan
Ay tila ba nilisan ako sa kawalan

Paulit-ulit ibinabalik
Ipinapaalala nila
na dahil nag kamali ako
walang ng pag-asang mabago

Na,dahil nag kamali ako
wala na akong kwentang tao
Ngunit bawal naba itama?
Pagkakamaling aking nagawa

Hindi ako perpekto
Tao lang din ako
Ngunit sa puntong ito
Ikinulong nyo ako

Na tila ba hayop
Na walang karapatan
Kundi sumunod
At tanggalan ng kalayaan

Isipin ko man,ngunit ako'y nasasaktan
May damdamin din kagaya nyong lahat
Hindi ko man mabigay ang sapat
Ngunit ginawa ko naman ang lahat

Kaya ang lubid na nakatali
Ay akin nang pinuputol
Ang hawlang nakasarado
Ay akin nang bubuksan

Ang aking bibig na kung dati'y
Ayaw magsalita ay maninindigan
Na Oo,nagkamali ako
Ngunit kailangan ko ba mag bago?

Baguhin ang lahat para sa tao?
nawala nang pakielam
Kung nasasaktan na ba ako?
At nahihirapan sa posiyong ito.

Tama na,
Ayoko nang maging sunod sunuran pa.
Gusto kong mangarap ulit
At tahakin ang daan

Tatakbo kung saan
Ako magiging masaya
Yung dating daan na maykatapusan
Ay aking lalakaran

Dadagdagan ng masasayang alaala
Kahit ako lng mag-isa
Magkamali man,wala ng manghuhusga
Pagkat palagi kong tatandaan

Nasa lahat,ng pagkakamali
Na aking magagawa
Kalakip nito palagi
Ay isang aral

Dahil ngayon
Naniniwala na ako
Na ang totoong pagkakamali
Ay,yung wala kang natutuhan

Wala kang aral na napulot
Sa nagawa mong pagkakamali
At inulit mo parin ito
Kahit alam mo namang mali

At yung mga pagkakamali
nanagsilbing aral saiyo
Hindi yun ang totoong pagkakamali
isang yung aral na nagpatibay saiyo.

Oo magulo,pero kung iintindihin mo
Malalaman mo na
nabubuhay ka hindi para sa tao
Kundi para sa mga pangarap mo

Hindi mawawala
ang kanilang panghuhusga
Kaya mag patuloy ka
Tandaan mo palagi kung sino ka
At san ka nag mula

At kung nagkamali kaman
Palagi mo lamang tandaan
Yung iyong pinagdaanan
At paghihirap,na iyong iniyakan

Isang araw masasabi mo sa iyong sarili
"buti nalang at ako'y nagkamali
dahil,kung hindi,hindi ko makakamit
itong mahalagang sandali"

At nag bunga ng matamis na ngiti
"Na sa wakas!,pinagpatuloy mong lakaran
ang daan na iyong napili,at kahit nagkamali
hindi ka nanatili bagkus binalik mo ito sa matamis na ngiti"

—MsWyne♡

It's the unknown that draws people.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon