Grabing sakit ang nadama ng pusong ito
Mistulang sinalo kung gaano kabigat ang mundo
Hindi na kinaya ng mga unan at kumot
Ang pag agos ng ilog na nang gagaling sa mga mata ko
At siguro nga kung nakakapag salita
Ang mga tala mula sa langit
Ay rinding rindi na sila sa paulit-ulit kong mga hiling
At kung ang buwan ay nakakapagsalita rin
Batid kong pagod na pagod na sya
Makinig sa mga daing at hinaing
Mga mga kwento at problema mga iyak na nakakarindi
Na gabi gabi nalang,gabi-gabi nalang
Walang nakakarinig..wala..wala
Dahil mistulang hangin,mas mahapdi pa
Sa pagtaga ng mga masasakit na salita
Mas malalim pa sa pagbaon ng karet sa puso
Ang pag-iyak gabi gabi ng wala kang maririnig na himig
Ang pag iyak ng tahimik
Ay tila sinasaksak ang aking dibdib ng paulit-ulit
At saksi ang mga unan kong basang basa na nang luha ko
Pati ang alas tres ng umagang hindi ko magawang mahimbing pagkat may gumugulo
Sa pag-iisip ng mga bagay na paulit-ulit kong minamanipula sa utak ko
Saksi pati ang mga panaginip na hindi ko na maalala
Ang panginginig ng aking mga kamay at pagkatulala
Pagluha ng diko namamalayan
Pagluha na inabot na ng umaga
Namumula at namaga ang mga mata
Nahirapan huminga
At patuloy umaasa na isang araw na hindi ko na nanaisin pang madama
na kailangan kopang mapag-isa
upang maranasaan ang kapayapaan at pag-asa
At kung satingin mo madali lang lahat
Sinabi ko rin yan sa sarili ko
Sinabi ko sa kanyang 'napaka drama mo'
Sinabi ko naring 'Huwag kang negatibo'
Hindi narin mabilang sa daliri
Ang ilang beses na pagsulat ng mga motibasyon
Ilang beses nagpaka positibo
At ilang beses na 'hindi kana iiyak pag muli'
Pero heto ako..
Dinala nanaman ng emosyon ko
Minsan hindi ko narin maunawaan
Na bakit ba sarili ay pinapahirapan?
Bakit mabilis akong umiyak sa maliit na bagay na ito?
Simpleng bagay na tila kdrama ang tema nito
Pero ito palang simpleng bagay nato
Ang patuloy saakin ay bumubuo
Mahirap pala no?kapag softhearted person ka
Yung tila gusto mong kontrolin yung iyong nadarama
Pero ang mga mata mo ang mismong nagsasabing hindi mo kaya
Ang mata mong hindi kayang mag ipon ng luha
Pero siguro parte lang ito ng pagiging main karakter mo
Na katulad ni Cinderella na nung una'y inapi ngunit naging prinsesa
Alam kong hindi naman dapat laging masaya,
kasi sa lahat ng estoriya may problema,may kontrabida.
kaso sa puntong ito napuno ka
Kaya hindi mo na kinaya pang itago
Ang sakit na iyong nadarama
Napagod kang lumaban,at piniling sabayan ang lungkot
Ngunit sa paglalakbay mo huwag mong hayaang lamunin ka ng nararamdaman mo
Dahil tulad ng gabi may araw na naghihintay saiyo
Malungkot ka man ngayon pero baka bukas aayon nadin sayo ang panahon
Kaunting tiyaga pa,sarili mo,sarili ko
Kakayanin kahit nadapa sa takbo ng buhay
Susulungin,pagkat diko man batid
Alam kong sa aking paglalakbay
Makakasumpong din ng bagay na matagal ko nang hinahanap
Hindi na kakailanganin pang umiyak habang nakatingin sa alapaap
Sa ulap o sa ilalim man ng kalawakan
Magagandang estorya na ang ikukwento kay luna
At ang mata ay hindi na mamumugto kaka luha
Dahil naniniwala ako sa puntong iyon
Bunga iyon ng mga bagay na nangyayari sakin ngayon
Pinatatag ng sakit dulot ng mundo
Ngunit kahit anong mangyari magpapatuloy ako.
Kahit minsan sa pait ng kahapon ako'y napatanong kung 'Paano na ako?'
Ms_wynereign