Kathang-isip

3 2 0
                                    


Pasensya ka na
Sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo..

Pagmamahal,kathang isip
Ang dalawang salitang ito'y swak sa isa't isa
Madalas kasi kapag nagmamahal ka ng isang tao
Ay hanggang sa panaginip mo nalamang sya nakakasama

Sa mga malilikot mong imahenasyon
Nabubuo yung mga ganap na gusto mo kayo lang ang bida
Nakakakilig hindi ba?
Sa estoryang kayo ang magkasama,masaya

Huwag lang dumating sa puntong gisingin ka nang iyong ina
sabay sabing 'oy gumising na tanghalina!'
at maiinis kanalang kasi nandun kana,
sa parte ng panaginip mong aamin na sya ay naudlot pa..

Nakakakilig sa panaginip at kathang isip ay hawak mo,
Hawak mo ang oras at pangyayaring magaganap
Ngunit MASAKIT sa pagsampal sayo ng reyalidad na
HANGGANG KAIBIGAN KALANG..

Payag kanun ginanon ka?
Okay lang maghanap kana ng iba
Mga opinion ng iyong mga tropa...
Nahihibang kanaba?
Paano nga mag mamahal muli,kung MAHAL MO PA?!

Isang malaking question ang paghanap ng pagmamahal
Sa taong hindi ka naman napapansin
Isang malaking kahibangan ang pilit na huwag umamin
Pero hibang na kung hibang
Natatakot kalang na baka mareject ka at iwasan

Paano kung ganito?
Paano kung ganyan?
Pano kung umamin ako?
Ano kaya sasabihin niya?
Anong gagawin ko?

Diba?mahirap din umasa
Mahirap magmahal nang patago
Pero mas ginusto mong magtago sa likuran
Makita mo lang siyang di naiilang

Ako lang ba?
Na kahit sa maliit na galaw niya
Binibigyan mo ng kahulugan
Sa mga bagay na di nya napapansin
Ay napakahalaga saakin

Kailan kaya ni tadhana maipaparating
Ang aking lihim na pagtingin?,
Kailan kaya mabubuo ang tagpuan
Nasa mga panaginip ko lang napupuntahan?

Kailan niya kaya ako mapapansin?
Ganun ba ako ka layo para hindi makita?
Mula sa mga mala bituwin niyang mata
O ganun lang talaga si tadhana?

Kahit anong pilit kong ipakita
Tila'y nasa gilid lamang ako ng silid
Sa gilid na pilit iniisip
sinabayan ang malamig na ihip
Na animo'y musika sa pandinig

"Hay,kay sarap managinip.."
Isang malalim ng buntong hininga
Hindi man ito mangyari
At least masaya tayo sa aking 'kathang isip'

—Ms_WyneReign♡









It's the unknown that draws people.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon