Tapos ko ng basahin ang unang libro
ngunit hindi ako natuwa sa dulo ng kwento
Parang may kulang na hindi naisulat ng akda
Kung saan sa isipan ay patuloy nagtataka
Siguradong hindi pa dito nagtatapos
May pahibagong pahina pa ito
Sadyang patuloy gumugulo
Ang dulo na hindi sigurado
Kumuha ako ng isang pahina
Mula sa isang libro na luma na
Agad kong tinuloy ang kwento
Kung saan ako ang may hawak saan ito tatakbo
At nung matapos ko na ito
Tila ako'y napatanong
'bakit parang kulang padin?
Saan ko man basahin ay tila may mali
Hinanap ko kung sino ang may akda
Ng una at pangalawang librong aking nabasa
Kaya pala...kulang dahil kahit ang may akda
Di natapos ang sarili niyang estorya
Na ako din pala ang dahilan
Dahil ako ang may Akdang may pagkukulang
Sa kwentong aking sinimulan
Tila naubusan ang tinta ang aking panulat
Upang ito'y tuluyang masundan
Pagkat ang unang kwento sa estorya
Ay ang panibagong pahina
Ngunit ang pinagkaiba
Hindi na siya ang bida,
Isa na lamang siyang may akda
Na napagod kaya nag pahinga.Ms_wynereign