Bakit ngayon pa?

7 1 0
                                    

Ngunit inintay kita dun sa tagpuan natin dalawa
Patingin-tingin sa relo at aligaga
nag-aalinlangan,nagugulahan kung nasaan kana?
Kasi ang nasa isipan lang ay ang mga salitang 'kailangan kita'

Ala una...
Alas dos..
Alas tres..alas kwatro
Sumapit na ang alas singko hanggang alas sais

Ni anino mo'y hindi dumating!
Napaka hibang kong umasang ikaw ay pupunta
Sa tagpuan na pinili nating dalawa
Sa tagpuan na ngayon ako nalang mag-isa

Nakatayo,nakatulala
Habang bumabalik ang alaala
Kung paanong ang lugar na ito'y naging tagpuan nating dalawa
Paano nga ba?..naalala mo paba?

Hindi ko ma wari kung nasaan ka
Pero pakiusap kahit isang sandali pa
Masabi ko lang muli ang mga salitang mahal kita
Mahal,mahal kita..pero bakit sa t'wing aking bibigkasin

Ang mga salitang iyon tila may kirot
Sa puso na aking nadarama at sa tuwing sasambitin
Ang salitang 'kailangan kita' ay di ko maiwasang lumuha
Pagkat nasaan kana nga?!..nasaan kana?

Ilang oras paba ang kailangan mo?
Ilang minuto,sigundo o araw pakong mag-iintay sa pagbabalik mo?
O..babalik ka pa ba?..sana kung hindi na una palang sinabi muna
Pagkat maiintindihan ko naman kung ayaw mo na

Pero ang diko lang maintindihan bakit ngayon pa?
Sa sandaling kailangan kita,bakit ngayon pa?
Sa Panahong kailangan ko ang iyong bisig na aakap sakin
Ang init ng iyong pagmamahal kahit na ito'y isang pagkukunawari
BAKIT NGAYON PA?

hindi ba nangako ka?..hindi ba?..pero bakit ngayon wala ka
Hindi ko naman masising humanap ka ng iba
Pero sana di mo nalang akong ginustong makilala
At sa huli ako lang pala ang naging basehan upang lumipat ka ng bagong pahina
 

Ms_wynereign

It's the unknown that draws people.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon