ABAKADA

4 2 0
                                    


Isipin mo ang bilis ng panahon
noong dati'y hindi pa tayo marunong magsulat at magbasa
At pinagbabasehan lamang mga letrato sa libro
Kung ano ang magiging takbo ng isang kwento

At pagpasok ko sa eskwela
Hindi pa sanay sa mga kaklaseng makakasama
Naalalnko pa ang unang araw ko sa loob ng silid aralan
Ay minsan ko ng pinilit hindi lumuha noong diko matanaw si mama sa labasan

At ang oras ay sobrang bilis sa paglipas
Mula sa lapis at papel hanggang sa ballpen at yellow pad
Mula sa pagpapaalam kay mama na diyan lamang at di lalayo
Ngayon kung saan-saan na ako napapadpad

Mga bagay na ating napagdaanan
Sabay-sabay nating balikan
Sa umpisa, mula sa pag babaybay natin ng letra
At pag mememorize ng abakada

Pagsosolve ng matimatika
Na kung di mo masagot
Siguradong lagot ka,
sa hanger na hawak ni mama

Natuto kang bumasa at sumulat
Gumuhit at saka namulat,
Sa iba-ibang mga bagay na iyong natutuhan
Sa loob ng bahay lalo na sa eskwelahan

Na hubog ang iyong pagkatao
Mula sa pagiging inosenteng bata
Hanggang sa indibidwal na puno ng talento
Desidido at handa ng harapin ang hamon ng mundo

Ngunit sa iyong pagtayo
At paghayo patungo sa pangarap,
Mga naising sintaas ng alapaap
Ay huwag mong kalilimutan ang iyong A-BA-KA-DA
Upang sa panahong hamakin ng mundo'y mas tumatag ka pa

A-alalahanin mo ang dahilan
kung bakit mo pinagpapatuloy
lakaran itong pinili mong daanan

BA-Balikan mo kung saan ka nag mula
Gaano man kalayo ang pagaspas ng iyong mga pakpak
Ay huwag mong kalilimutan kung saan,
At kung sino ang umalalay saiyo nung ika'y nanghihina

KA-Kayanin mo palagi kahit na
sa paglalakbay ika'y natinik at nadapa
Nasugatan at nanghina
Napagod kaman ngunit magpatuloy ka lang

Da-Dasal ang mainam na solusyon
Ang pakikipag usap ng taimtim sa maykapal
sa mahirap mong sitwasyon, at kung sakaling
Maubusan ka ng motibasyon sa kaniya ka kumuha ng inspiration

Na kumapit at lumaban..
Dahil 'Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan,
At huwag kang mananangan sa sariling karunungan
Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin,
upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin"
— (Kawikaan 3:5–6).

At kung lagi mong daladala
Itong iyong ABAKADA
Siguradong makakarating ka
Sa ruruk ng tagumpay na puno ng galak at pag-asa

Ms_wynereign

It's the unknown that draws people.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon