Hindi na kaharap sa kamera
Walang script na kinakabisa
Walang derektor na nagsasabi
Kung tama ba o mali ang pag-arteAng nandoon lang sa eksena
Ay yung mga taong kasama
Mga audience kung tawagin
Habang nakaharap sa kanilaIsang mukha ng pag-arte
depende sa Sitwasyon
Depende sa pangyayari
Depende sa taong makakasama....
Iba't ibang mukha ang makikita
Pero madalas masaya,
Masayang mukha ang ang nakikita sa kanya
Tila siya'y walang problemaNgunit sa kabilang banda
Durog na durog na sya
Di niya inaalintana ang sakit
At madalas kinakaya nya yung paitDahil isa siyang artista
Artista ng sarili niyang kwento
Kung saan di niya hawak ang pagtakbo
Saan matatapos at anong dulo nito
......Hindi ba't ikaw iyon?
Minsan sa buhay
Marami kang tanong
Ano ang layuning ng iyong mundoAt bakit ka nabubuhay
Upang mapalagay sayo ang tao
Kung kaya mo naman maging bulalaklak
Sa gitna ng desiyertoMinsan din Nagiging artista kana
Kung saan umaarte kalang
Upang makisama
Makisama?,o nakakasama na?Nasasanay kanang magkunwari
Kaya ngayon hindi mo alam kung anong mali?
Naghahanap ka ng kasagutan
Ngunit saan kaba naghahanap?Sa mga tao sayong kapaligiran?
Wala diyan ang sagot
Masasagot mo iyan kung titingin ka sa salamin
At pagmamasdan ang bulalaklak na nakalimutang diliganLumabas ka at tanawin ang lahat
Magtampisaw sa ulan na ikaw mismo ang gumawa
Kasi hindi ibigsabihin ng ulan ay lungkot
Minsan kailangan mong ibuhosDahil kung iyong iipunin
Siguradong di mo kakayanin
Dahil kahit baso napupuno
Kailangan mong tanggaling ang lamanpara malagyan muli ng panibago
Kung sa tingin mo ikaw iyon
Tanggalin mo ang maskara ng kahapon
Bumangon ka at huwag maging artista
Sa paligid ng puro kameraKuhanan mo ng mga litrato
Ang mga magagandang bagay sa buhay mo
Punuin mo ng magagandang memoriya
At ikaw ang magsilbing bidaKasi hindi kalang artista,o kaya extra
Dahil ikaw ang pangunahing karakter
Na kapag nawala ay walang kwenta
Ang isang pelikula.-MsWyne♡