Pangarap(malayang tula)

5 2 0
                                    

Pangarap, ang salitang ito ay
Kay daling bigkasin
Ngunit kalakip nito ang hirap na abutin
mga balakid at problemang kailangan harapin

Pagsubok,pagbagsak,hirap at sakit
Na minsan di mo na kayang tikman yung pait
At lagukin ang tasang puno na tinik
Ngunit kailangan mo paring ipilit

Ganun naman talaga
Kailangan paghirapan
Para lalong makita ang halaga
Ng iyong mga ginagawa

Kahit minsan gusto mo ng sumuko
ngunit sa t'wing titingin ka
Sa mga taong dahilan ng pangangarap mo
Maiisip mo nalang na..

'Hindi pa pwede,wala kapang napapatunayan'
Kailangan mong lumaban kahit na nahihirapan
Para sa pangarap na gustong maabot
Ay hindi mo pwedeng sukuan

Di maiiwasan na dalhin ng hangin
Palayo sa daan na gusto mong tahakin
Kabiguan,pagsubok,tao,pangamba
At marami pang iba

Patong-patong na problema
Ay nagsabay-sabay dumadating
Ngunit 'wag kang magpapagpadala
At mag-isip ka muna

Kung pagod ka,magpahinga ka
Kung nalilito ka,huminto ka muna
Mag-isip ng taimtim
At saglit na magpahangin

Maraming nakakasaksi pano ka lumaban
Na kahit mahirap ang sitwasyon
At minsan napapadala sa emosyon
Ay humahanap kaparin ng solusyon

Kahit na,natatakot ka,ay dika sumusuko
Para sa 'yong pangarap patuloy kang bumabangon
Abutin man ng taon
Ang iyong paghihintay

Upang makamtan ang iyong layunin sa buhay
At kahit kulang ang isang araw
Ang pahinga ng 'yong
Pagod na katawan

'wag mong kalilimutang ngumiti at tumawa
Dahil maraming rason
Upang sumaya kahit puno ka ng problema
Marami kang maipagpapasalamat

Sa maykapal,magpatuloy ka
Nasugatan kaman sa laban
At ito'y nag marka
ngunit 'wag kang mauubusan ng pangarap
Kahit damang-dama mo ang hirap

Dahil isang araw,nasa tuktok kana pala

"Na sa wakas!,pinagpatuloy mong lakaran
ang daan na iyong napili,at kahit na mahirap
hindi ka nanatili bagkus binalik mo ang lahat
Sa matamis na ngiti"

Ms_WyneReign

It's the unknown that draws people.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon