Hindi ko na matatawag na pahinga ang paghiga

3 1 0
                                    

"Hindi ko na matatawag na pahinga ang paghiga."

Bagamat ang katawan ko'y pagod na

subalit tuwing ako'y hihimlay saaking kama

at ipipikit ang aking mga mata

tila ba ginigising ako ng mga alaala


Ipilit ko man na itulog ang pagod na nadarama

ngunit may mga bagay na gustong kumawala

kahit ang isipan ay di na akma

at patuloy itong ginigising ang aking diwa


Hindi na rin sapat ang pagpapatugtog

Upang ako'y dalawin ng antok

at tuluyan nang makatulog

para makapag pahinga na ang katawan kong bugbog


Kaya hindi ko na masasabing pahinga ang paghiga

Dahil nakapikit man ang aking mga mata

ginugulo naman ako ng mga alaala

na minsan ko ng binura sa aking sistema.

Ms_Wynereign♡

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's the unknown that draws people.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon