Wala akong maisip na magawa
Kaya ito ako at nagsusulat
Ng panibagong tula
Kahit diko alam kung anong paksa
Nakakabagot wala akong inspirasyon
Kung dati nasasabik akong sumulat
Ng tula na patungkol sa pag-ibig
Ngayon hindi ko din alam kung bakit?
Bakit naglahong bigla ang damdamin?
Siguro kasi napagod nakong magparinig
Napagod na ako na umasa man lang
Na ako ay iyong mapansin
Kaya sa pagtagal,diko narin namalayan
Na naglaho na pala aking nararamdaman
Tila wala ng tumatakbo sa aking isipan
Kundi ang gawin ang dating nakasanayan
wala na yung kuryenteng nararamdaman ko
Sa tuwing papalapit ka,at uupo sa tabi ko
Wala na yung ngiti at pagtawa ko
Tuwing ikaw ay magbibiro
Wala nayung saya at pagtigil ng oras
Hindi ko na ulit ito nararamdaman
Tuwing titingin ako sayo
Para ordinariyo ka nalang
Hindi na espesyal ang bawat galaw
Ang bawat usapan sa social media
Ay hindi na mahalaga
Wala nakong gana
Wala na, siguro kasi di mo ako nakita
Kaya nasanay na akong iyong binabalewala
Nasanay na ako na palaging umaasa
Sa mga bagay na iyong ginagawa
'diko alam kung may ibigsabihin ba
O lahat ng iyon ay kasinungalingan lamang
Pero ayos lang,wala narin naman akong pakielam
Dahil naisip ko wala rin namang kabuluhan
Hindi ako masaya,hindi rin naman ako nasaktan
Para lamang nawalan ako ng emosyon
At namanhid na ang buo kong katawan
Idamay pa ang aking isipan
Kaya kung satingin mo
na ganun parin ang aking nararamdaman
Nagkakamali ka,dahil wala na
Kaya huwag ka narin umasa
—Ms_WyneReign♡