Moonlight

3 2 0
                                    


Sa iyong ganda
Napukaw ang aking mga mata
Sa iyong pagliliwanag
Ang puso'y tila iyong nabihag


Gabi-gabing inaabangan
Ang liwanag na dudungaw sa bintana
Hihintayin magdamag man
Masilayan lang ang iyong kagandahan


Mistulang diyamante sa aking mga mata
Kaya palaging gusto ko ikaw ay makita
Sa malayo man ang pwesto ngunit aking nadarama
Na kasama kita at nakikinig saaking mga problema


Madalas inaasahan kitang matanaw
Kahit na ang mga ulap madalas kang natatabunan
Ngunit sa sandaling ikaw ay masilayan
Automatikong Natutula sa iyong kagandahan

 
Hinihintay kita palagi sa gabi
Habang nilalasap ang hangin at bawat sandali
Dahil sa sandaling ikaw ay magliwanag
Para bang ako'y iyong niyayakap


Kagaya mong nagliliwanag mag-isa
Walang kasama sa dilim at puno ng marka
Hindi ka perpekto ngunit saakin nagpapasaya
Kasakasama saan man ako magpunta


Magkatulad tayo sa ibang aspeto
Kaya siguro agad tayong nagkasundo
Salamat sa pagiging totoo
At pakikinig sa aking mga kwento

 
Salamat Luna,
Sapagkat ang ganda mong pagmasdan
At kahit minsan hindi kita nakikita
Alam kong nariyan ka upang ako'y pakinggan


Hanggang sa Muling mga gabi
na ikaw ang aking hanap
Habang ako'y nakatingin sa alapaad
Patuloy akong magpapasalamat.

—Ms_WyneReign♡

It's the unknown that draws people.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon