Pangako [Malayang tula]

8 2 0
                                    

Pangako?,ano nga ba ibigsabihin nito?
Kung saan ikukrus ang puso
Sasabihin ang mga salitang sagrado
Sa kapwa man, kaibigan o pamilya

Kalakip ng mga salita,
Ay ang buong pagtitiwala
Kaya kapag hindi mo ito tinupad
May bagay sa'yong mawawala

Pwedeng literal o hindi,
o dikaya iiwasan ka nila
o babalewalain
Kaya kung mangangako ka?

Siguraduhin mong sigurado ka
Kasi bawat pangako ay mahalaga,
Iwasan mo na lamang mangako
Kung alam mo namang mabibigo

Ngunit kung dumating man sa punto,
na ika'y mangangako sa tao
Huwag mong hayaang ito ay mabigo't mapako
para wala kang pagsisihan pagdating sa dulo.

—Ms_Wyne♡

It's the unknown that draws people.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon