UNINTENTIONALLY DESTROYING HIS CHARACTER

10 2 0
                                    


Warning: Deep understanding and comprehension needed for this poem. Thank you.

(Realm fiction)

Marami ang nakatingin
marahil sila'y napapatanong
ano nga ba ang aking gagawin?
sa isipan ay puno ng bulong


Paulit-ulit na para bang sirang plaka
aking mga kamay ay tila hindi makagalaw
ni isang atras o abante o sigaw
o kahit na isang kurap ay hindi ko magawa!


Sa pagsikat ng ilaw at dungaw ng mikropono
May gusto akong sabihin
ngunit isarado nyo ang mga tainga nyo.
Dahil kahit alam ko'y malabo ninyong matamo
nang mga mensaheng hatid sa bawat buka ng aking bibig

 
at kahit kabig ng aking dibdib ay dinig na dinig
mula sa di kalayuan ay hindi mapapatid
Isang titig pa, Magbibilang ako
Isang titig pa, Makikita ninyo kung sino?Ano?


Ano nga ba?, Patawarin ninyo ako
batid kong kayo ay naguguluhan
patawarin ninyo ako..Saglit?
Bakit ba ako humihingi ng tawad?


Bakit nga ba?, hahaha nakakatawa
mistulang hindi ko mawari
saan nga ba ako nagkamali
upang humingi ng tawad sa iba!


WALANG KWENTA!
NASISIRAAN KANA!


TAMA NAAA!

 
Hindi ko naman gustong humantong sa ganito
Pero dito na ako napa tungtong
sa malungkot at madilim na entabladong
Puno ng pako at dugo


Habang naka ngiti sa mga taong
nakatingin sa akin ng kakaiba
Ako pa ba ang dating ako na sa salamin?
Parang hindi ko na ma mukhaan


Giliw anong aking gagawin?
sino nga ba ang lalaki na kinakausap ako sa salamin?
Sino ang taong yumayakap sakin tuwing gabi?
At sino kayo?Ako?AKOO!

 
Ako ang taong iyon, hindi ba?
Ako yung naka tayong tinulak paibaba
ako iyon hindi ba? HINDI BA?!


Ako iyon na ngayon ibang ako na
Ako, bakit mo sinira ang lahat para sa kanila
BAkit mo hinayaang sigawan ka ng iba
hilahin pababa at ikulong sa hawla!


AKO iyon na ngayon diko na kilala

It's the unknown that draws people.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon