Naiiyak ako ng makita kita
Sa lugar na dapat ako ang nariyan
Sa lugar na dapat ako ang magdadala
Ngunit sayo napuntamaling mali ako
Ako ang mali at hindi ko tanggap ito
Hindi ko akalain na aabot sa ganito
Bakit,ganito?Naalala ko noon
Kung paano kita tinulungan
Sa mga schoolworks at projects
Ansaya mo kasama,solid kausapHanggang naging kaibigan kita
Kaklase kita nun
Palagi tayong magkatabi
At Palaging magkasamaSa pagpasok at pag-uwi
Sabay tayong nahihirapan
Sa mga gawain sa eskwelahan
Ngunit grabe naawa ako sayoKasi nung nagkaroon tayo ng pagsusulit
Kahit sa number one wala kang sagot
Sabay bulong ng 'pre pakopya naman oh'
Wala akong nagawa kaysa naman makita kitang zero
.....Ngunit...Pagkatapos ng pagsusulit
Napasimangot ako nang bahagya
Naiiyak ako ng tawagin ka
Ng ating guro sa Asignaturang matimatikaPero Kitang kita ko ang ngiti sa iyong mga labi
Habang nakatingin sakin napara bang ang yabang kung umasta
Taas noo mong hinarap at pinakita
Ang score mo na may pinakamataas ng marka
'Walang hiya ka pre traydor ka!'—MsWyne♡