Chapter 02: Reality

4.2K 116 18
                                    

Alexis

My day ended the way I expected it to be. Ang daming ayaw sa’kin. I should say lahat sila may ayaw sa’kin. Pero wala akong pakialam kung anong isipin nila tungkol sa’kin.

Kung ako lang talaga ang papipiliin, hindi ko gugustuhing lumipat dito sa North Academy but I don’t have a choice. Hindi na ako tulad ng dati. Hindi na ako ang dating Alexis Zoey Garcia. Ipinikit ko ang mga mata ko saka bumalik sa isipan ko ang araw na nawala sa’kin si Dad.

Inikot ko ang buong bahay namin mula first floor hanggang second floor pero hindi ko talaga nakita ang Daddy ko. Sinubukan ko ring tawagan siya sa cellphone niya pero cannot be reach na ‘to. Inisip ko na baka hindi pa tapos si Dad sa trabaho niya o baka may importanteng meeting lang siya at na drained ang battery niya kaya hinintay ko siya. Nakatulog na ako sa kakahintay at nagising sa kalagitnaan ng gabi pero hindi pa rin siya umuwi. Sinimulan na akong kabahan, pero umaasa pa rin ako sa loob-loob ko na babalik ang Daddy ko.

Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo pero wala pa rin akong magandang balita na natanggap.  Lumapit na ako sa mga pulis para magpatulong sa paghahanap sa Daddy ko pero walang improvements. Inisa-isa ko na rin ang mga ospital kung sakaling may masamang nangyari sa kanya pero walang records. Pinuntahan ko na ang kompanya namin at nagtanong-tanong sa mga coworkers ni Daddy pero ni isa sa kanila walang makakapagturo sa’kin ng kahit na anong lead.

At ngayong limang buwan na ang lumipas mula n’ung araw na iyon, nagbago na ang lahat. Ang dating masaganang buhay ko wala na, ang dating masayang buhay ko kasama si Dad, wala na rin. Pakiramdam ko hindi lang ako nawalan ng ama, kundi pati na rin ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano pa ako babangon. Isa lang ang pinanghahawakan ko ngayon—ang sinabi sa’kin ni Dad “It’s not enough to survive, you have to keep living.”

“Haayy!!” Napabuntong hininga na lang ako saka ko hinawakan ang strap ng bag ko habang naglalakad sa hallway ng campus namin.

*Flashback*

“Miss Garcia, pinapatawag ka ng presidente.” Sambit ng teacher namin pagkatapos niyang idismiss ang class.

“Alright Ma’am.” Sagot ko saka ko inayos ang mga gamit ko papasok sa bag ko at tinungo ang office ng school president namin.

“Good afternoon Ma’am.” I greeted her.

“Miss Garcia. Ayun sa secretary ko, ilang buwan ka na dawn a hindi nagbabayad ng school  fees.” Sabi ng president saka siya nagscan sa records niya.

“Yes Ma’am. Pasensya na po talaga. Nagbigay naman po ako ng promissory note. Hindi pa ho kasi bumabalik ang Daddy ko.” Mahinahong sagot ko.

“Nabalitaan ko ang nangyari sa Daddy mo pero I’m sorry Miss Garcia, kailangan mo nang bayaran ang school fees mo kung ayaw mong ma kick out.” Sambit ng presidente.

Para akong nainsulto n’ung sinabi niya ang salitang kick out.

“With all your respect Ma’am. Kung hindi dahil sa’kin, sigurado akong wala nang nag eenroll sa campus na’to. Alam naman nating lahat na malaki ang influence ko sa school niyo.” Pinilit kong sumagot ng mahinahon kahit na punong-puno na ako.

“You really think you are that great Miss Garcia huh?” Tanong ng presidente. “Alam kong malaki ang naitulong ng Daddy mo sa eskwelahan na’to. Pero hanggang iyon na lang iyon. Na saan na ba siya? Pinagpapatuloy pa ba niya ang pagpapasok ng pera dito? Hindi na diba? Alam ko ang reputasyon mo Miss Garcia. Tinitingala ka ng maraming kabataan, nag eenroll sila dito dahil gusto nilang makapasok sa eskwelahan na pinapasukan mo pero kailangan kong maging patas. You need to follow the rules and regulations of this school and that includes paying for the school fees at the right time. Pasalamat ka nga at binigyan kita ng palugit. Ilang buwan din ang binigay ko sa’yo pero ngayon hindi na pwede ang promissory note mong iyan.”

R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon