Chapter 11: King and Queen

2.3K 59 20
                                    


“Thank you dito.”



Sambit ko kay Chase pagkatapos kong bumaba sa motorbike niya. Hawak hawak ko iyong paperbag na may lamang dress na binigay niya.



Hindi ko talaga alam kung pano ko siya pasasalamatan. Alam kong hindi pa sapat iyong thank you lang pero iyon lang iyong kaya kong ibigay. Ang baba-an ang pride ko at sabihin ang dalawang salita na iyon.



“hehehe. Narinig ko din iyan mula sa’yo. You’re welcome Alexis. Can I ask you a favor?”



Tanong ni Chase sa’kin.



“Sure.”



Sagot ko. Hindi naman ako iyong tipong tao na walang utang na loob. Tinulungan ako ni Chase mula sa mga gangster at naging fairy godmother or should I say fairy godfather pa siya sa’kin kaya dapat lang na pumayag ako sa kung ano man ang hihilingin niyang pabor.



“Can I dance with you this friday night?”



I was stunned sa tanong ni Chase. Hindi ko inasahan na iyon ang pabor na hihilingin niya pero napatango parin ako kahit na medyo nawala ako sa ulirat ko.



“Good. Sige aalis na ako. Goodnight.”



Sambit nito.



Ngumiti muna siya sa’kin, saka niya sinuot iyong helmet niya.



*brrrm* *brrrm*



Itinaas niya iyong isang kamay niya para magpaalam sa’kin saka siya dahan dahang naglaho sa paningin ko.



Pumasok na ako sa gate namin saka ko pinulot iyong paperbag na tinapon ni Chase bago kami umalis. Ipapaliwanag ko nalang kay Brianna ang lahat. Siguro naman maiintindihan niya ako.




-R&D-




“Oh em gee!!! Ang ganda mo Alexis!!”



Bulalas ni Brianna pagkatapos niya akong makita sa labas ng venue.



“Ikaw din naman ah.”



Pagkokomento ko.



Totoo naman talaga iyong sinabi ko. Ang ganda ni Brianna sa suot niyang black long dress. Bumagay din sa kanya ang wavy niyang buhok at iyong make up niya.



“Iyan ba iyong binigay ni Chase sayo?”



Tanong nito sa’kin at tumango naman ako.



Pero sa halip na kiligin siya gaya ng reaksyon niya sa tuwing tinutukso niya ako kay Ryder, parang ang dilim ng mukha niya. Parang ang dilim ng aura niya. Hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa suot niyang damit o dahil sa gusto niya si Chase.

R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon