Nasa lobby palang ako ng venue pero sobra ng dami ng tao and as expected wala akong kilala kahit na isa man lang. At kung may kilala man ako, sigurado akong mahihirapan akong kilalanin sila dahil masquerade iyong theme ng party.
Suot ko iyong beige fitting dress na binigay ni Ryder sa’kin. Infairness naman may taste din siya kahit papano dahil bumagay sa’kin iyong damit ko at maganda din iyong style. Nagmatch din iyong mask na ginawa ni Brianna para sa’kin habang nagbabantay kami sa shop.
Sobrang galing niyang magdesign. Sabi ko nga sa kanya eh dapat sumama siya sa’kin para naman may kasama ako pero hindi na daw dahil hindi daw siya imbitado. Ang isa pang dahilan niya eh mahihirapan kaming payagan ng may-ari ng store dahil minsan na kaming nag excuse na dalawa nong acquaintance party. And gaya ng dati, ipapalabas niya ulit sa may-ari na may sakit ako. Andami ko na talagang utang na loob kay Brianna.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad ko hanggang sa nakapasok ako sa elevator. Nasa top floor kasi ang venue ng party.
Sobra akong kinakabahan at excited din dahil sa wakas malalaman ko na ang mga sagot sa tanong ko.
Makikilala ko na ang papa ni Ryder.
Malalaman ko na kung ano ang sadya nya sa’kin.
*tiiing*
Pagbukas na pagbukas ng elevator, bumungad agad sa’kin ang napakadaming tao. Hindi ito ordinaryong party lang. Sobrang laki at sobrang engrande.
Dahil sa hindi ko alam kung papano ko hahanapin si Ryder eh paikot ikot lang ako sa buong paligid na parang bang isa akong tuta na nawawala.
“Alexisssss!!”
Bigla nalang may tumawag sa’kin kaya lumingon ako.
Siguradong sigurado ako na si Ryder iyong nasa harap ko. Kahit may mask siyang suot, hinding hindi parin mapagkakakaila ang tindig niya.
“Ryder?”
Tanong ko kahit na sigurado akong siya na iyon.
“Kanina pa kita hinihintay.”
Sabi nito saka niya hinila iyong kamay ko papunta sa kung saan na hindi ko alam.
“San mo naman ako dadalhin?”
Tanong ko sa kanya habang hila hila niya ako.
“Sa birthday celebrant. Kanina ka pa niya hinihintay.”
Sabi nito.
Kinabahan ako lalo.
Andaming tanong sa isipan ko. Ano kaya ang pag-uusapan namin ng papa ni Ryder? Strikto kaya siya? Ano kaya itsura niya? Magkamukha kaya sila ni Ryder?
Dinala ako ni Ryder sa second floor ng venue kung san kitang kita ko iyong buong mga tao sa baba na nagsasayawan. Iyong iba naka tayo lang sa table at umiinom ng wine. Iyong iba naman nagu-uusap sa mga kakilala nila.
“Boss.. Andito na siya.”
Sabi ni Ryder sa taong nakatalikod sa’min. Nakasuot siya ng black coat at may suot ding black black fedora hat.
Boss.
Boss iyong tawag ni Ryder sa papa niya. Pero bakit boss? Bakit hindi papa or hindi Daddy or kahit na Tatay?
Dahan dahang humarap iyong papa ni Ryder saka niya ako tinignan. May gumuhit na ngiti sa labi niya. He just smirked at me.
Medyo madilim iyong lugar kaya hindi ko makita iyong mukha niya. Idagdag pa iyong suot na mask sa mga mata niya at iyong black fedora.
BINABASA MO ANG
R.E.D & Dagger (UPDATED!!)
ActionI thought I was in love with the person I love but I was wrong. I thought I was the person whom I thought I was but again I was wrong. The story of lies, betrayal and love.