Chapter 17: Effort

1.8K 53 11
                                    




Pagising ko sa umaga, humarap agad ako sa salamin saka ko kinausap iyong sarili ko.



“Today is the day Alexis. Simula na ng paghihirap mo ngayon. Pero hindi ka naman mahihirapan pag hindi mo nakikita si Chase diba? Siya lang iyong dahilan kung bakit ka nalilito. Okay din naman si Ryder diba? Gwapo din naman siya at gentleman din. May topak lang ng konti pero pwede din naman siyang maging boyfriend. At alalahanin mo.. Si Ryder ang nagligtas ng buhay mo. At siya din ang liligtas sa Daddy mo. Dahil sa kanya kaya ka tinulungan ng Papa niya para hanapin ang Daddy mo. Huwag mo sanang kalimutan iyan Alexis.”



Huminga ako ng malalim at bumuntong hininga. Kaya ko ‘to.



Pumasok na ako sa comfort room para maligo at makapunta na ng school.




-R&D-




“Bakit andito ka? Nasan si Brianna?”



Tanong ko kay Ryder pagkatapos ko siyang makita sa labas ng school building na nakasandal sa pader. Inasahan ko na kasi na si Brianna iyong una kong makikita pero hindi pala.



“Ahh iyong kaibigan mo ba? Pumasok na don sa loob pagkatapos niya akong makita dito.”



Sagot naman ni Ryder saka niya inayos iyong tayo niya at lumapit sa’kin.



“Halika na. Kanina pa kita hinihitay eh.”



Pagpapatuloy nito.



Nagulat naman ako sa inasal ni Ryder. Ako ba iyong tinutukoy niya? Lumingon ako sa magkabilang gilid ko at sa likod ko to make sure na ako talaga iyong kinakausap niya.



“Ikaw iyong tinutukoy ko. Halika na.”



Sabi ulit nito.



“Bakit mo ginagawa ‘to Ryder?”



Tanong ko sa kanya.



“Hindi ba halata? Gusto kita Alexis.”



Nanigas ako na parang bato sa kinakatayuan ko pagkatapos kong marinig iyon mula kay Ryder. Ako? Gusto niya?



Fifteen Years. Fifteen years na ako sa mundong ibabaw pero wala pang naglakas ng loob na sabihin iyong mga salitang iyon sa’kin. Wala kahit na isa. Si Ryder iyong first na nagsabi non.



Noong nasa South pa ako, maraming nagtangka na ligawan ako. Maraming nagpapadala ng bulaklak at letter sa locker ko pero kahit na isa sa kanila walang humarap sa’kin. Pero si Ryder. Nong sabihin niya iyon, parang napaka casual lang.



Ganito pala ang feeling pag may nagsabi sa’yong gusto ka niya.



R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon