Chapter 20: Trap in the Rooftop

1.7K 53 11
                                    

“So kamusta kayo?”

Tanong ni Brianna sa’kin pagdating namin sa classroom. Di magtatagal magsisimula nadin iyong klase namin for the first subject.

“Ganun parin. Walang pinagbago. Cold parin siya sa’kin.”

Sagot ko.

“Hiwalayan ko na kaya?”

Tanong ko kay Brianna.

Ilang beses ko ng pinag-isipan ang tanong na iyan mula pa nong isang gabi pero hindi ko parin alam ang sagot. Pano ba naman kasi. Sinagot ko nga si Ryder pero para namang hindi kami. Nag-iba na talaga siya ng sobra sobra. Pero naisip ko din iyong napag-usapan namin ng Papa ni Ryder.

“Eh pano naman iyong usapan niyo ng Papa niya?”

Tanong ni Brianna sa’kin.

“Iyon nga din iyong humahadlang sa’kin eh. Pero hindi naman niya ako pinilit. Siguro maiintindihan niya iyong magiging desisyon ko.”

Sabi ko.

“Siguro nga din. Pero ano na ba iyong balita tungkol sa paghahanap sa Daddy mo?”

Tanong ni Brianna saka niya binuksan iyong notebook niya para icheck iyong assignment namin para mamaya.

“Hindi padin tumatawag iyong Papa ni Ryder. Pero siguro one of these days tatawag na iyon.”

“So sigurado ka na talaga diyan sa desisyun mong hihiwalayan mo si Ryder?”

Tumahimik ako ng isang minuto para pag-isipan iyong sagot sa tanong ni Brianna.

“Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?”

Tanong ko sa kanya dahil talagang hindi ako makapagdecide.

“Siguro mas makakabuti kung bibigyan mo pa ng isa pang chance si Ryder. One more week pa. Kung ganun parin talaga siya eh di hiwalayan mo na.”

Tumango ako bilang pagsang-ayon ko kay Brianna. May point din naman siya. Siguro kaya nagbago si Ryder dahil may dahilan siya. Kung ano man iyong dahilan na iyon kailangan kong malaman. Kailangan kong itanong sa kanya.

“Pero kung hindi na talaga magbabago si Ryder at maghihiwalay kayo. Ibig sabihin non may chance pa na maging kami ni Ryder. hihihihhi!!!”

Bigla nalang bumungisngis si Brianna na parang kinikilig.

“Type mo talaga siya noh?”

Tanong ko sa kanya. Nong una hindi siya makasagot pero tumango parin siya.

“Pero huwag kang mag-alala Alexis. Wala akong gagawin sa inyong dalawa habang kayo pa. Noon nga eh wala akong ginawa ngayon pa kaya na kayo pa. Pero kung sakaling ligawan ako ni Ryder pagkatapos, hindi ka ba magagalit sa’kin?”

Tanong niya sa’kin.

“Hindi noh. Hindi naman ako bitter.”

Ngumiti lang si Brianna sa’kin.

-R&D-

Nasan ka?

Sabay ba tayong uuwi?

Pupuntahan nalang kita ngayon kung hindi mo ako mapupuntahan.

Ryder?

Ilang beses na akong nagtext kay Ryder pero ni isa sa mga texts ko hindi siya nagreply. Sinubukan ko nadin siyang tawagin pero hindi niya sinasagot iyong phone niya. Ganito nalang palagi. Ako nalang iyong parating nag eeffort para sa relationship namin.

R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon