Naglalakad ako sa hallway papunta don sa likod ng school namin. Dahil ayokong makita iyong pagmumukha ni Ryder o ni Blade o kung ano man ang pangalan niya, sa backgate na ako dadaan.
Kaharap ko na ang backgate ng bigla nalang akong mapahinto ng maalala ko iyong sinabi ni Ryder.
Nasa kalye. Tinulungan iyong isang babae.. Tss.. Bakit ko ba sinasagot iyang mga walang kwentang tanong mo. Hindi ko alam kung pupunta ka ba mamayang hapon o hindi pero hihintayin parin kita.
“AHHH!!!!”
Ginulo ko iyong buhok ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng guilt. Gusto ng isip ko na umalis na ng tuluyan sa campus pero parang may pumipigil sa’kin at sinasabi na puntahan ko si Ryder sa main exit gate.
“NAKAKAINIS TALAGA SIYA!! NAKAKAINIS!!!”
Sigaw ko na para akong nasisiraan ng ulo.
Dahil kay Ryder masisiraan talaga ako ng ulo.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at bigla ko nalang nahanap ang sarili ko na naglalakad papunta sa main exit ng North Academy.This is really weird.
Naisip ko sa sarili ko. Hindi naman ako ganito dati. Hindi naman ako napapayag basta basta lang ng kung sino sino na hindi ko kilala.
Pero inisip ko nalang na ginagawa ko ‘to dahil hindi ako kumbinsido na si Ryder nga at si Blade ay iisa. Baka naman may one percent chance pa na hindi sila iisang tao.
Hindi ko lang kasi lubos maisip na si Ryder na kinaiinisan ko eh ang Blade na tumulong sa’kin.
Napatigil nalang ako sa paglalakad pagkatapos kong makita si Ryder na nakasandal sa isang motorbike habang iyong dalawang kamay niya eh nasa dalawang bulsa ng pants niya at iyong mga mata niya eh nasa maliliit na bato ng semento na sinisipa niya.
“Tss.. Ano bang kailangan mo?”
Tanong ko sa kanya saka niya inangat ang ulo niya para tignan ako.
“Sabi ko na nga ba pupunta ka. hehe”
Sambit niya saka siya tumawa ng mahina.
Si Ryder. Tumawa.
*thump* *thump*
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko pagkatapos kong masilayan ang ngiti niya at pagkatapos kong marinig ang mahinang tawa niya.
“Oh eto! Isuot mo ‘to.”
Inihagis niya sa’kin iyong pink na helmet at nasalo ko naman iyon.
“Ano ‘to?”
Tanong ko sa kanya.
“Helmet. Huwag mong sabihin na ngayon ka lang nakakita ng helmet?”
Tanong niya sa’kin pabalik saka siya sumakay don sa motorbike niya.
Iyong motorbike niya. Napaka pamilyar. Kahit na sa malayo ko lang iyon nakita nong una eh hinding hindi ko makakalimutan iyong itsura nito. Iyong motorbike na sinakyan ni Ryder, iyon din iyong motorbike na sinakyan ni Blade.
Ibig sabihin, iisang tao lang talaga sila.
“Sa’yo ba iyan?”
Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
R.E.D & Dagger (UPDATED!!)
ActionI thought I was in love with the person I love but I was wrong. I thought I was the person whom I thought I was but again I was wrong. The story of lies, betrayal and love.