Chapter 12: The King's Date

2K 62 32
                                    


Pati ako kinakabahan dahil sa pagti-thrill ng emcee sa’min. Tumingin tingin ulit ako sa paligid para hanapin si Chase pero hindi ko parin siya nakita.



Sanahindi nalang niya hiningi iyong pabor na iyon sa’kin nong isang gabi kung hindi man lang din niya gagawin. Nadidistract tuloy ako ati sa pa, nagiging sinungaling iyong dating niya sa’kin.



“Let your cheer be heard for our First Prince...”



*thump* *thump*



Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Iyong tipong naririnig ko na iyon kahit na sobrang ingay ng mga tao.



*drum rolls*



“Chase Takahashi.”



Takashi. Sigurado akong hindi pampinoy iyong apelyido ni Chase. Nong una akala ko si Grey lang iyong iba ang surname pero pati rin pala si Chase.



*wooo*



*clap clap clap*



*around of applause*



Si Chase..



Si Chase iyong First Prince.. Ibig sabihin si Ryder iyong King. Siya ulit iyong King. Siya iyong makakasama ko buong taon para maglead saNorthAcademy.



“May we request our First Prince to come up on stage?”



Sambit nong emcee. Hinintay naming lahat na umakyat si Chase sa mga tao lalong lalo na ako pero hindi siya umakyat. Ni hindi man lang siya nagpakita kahit isang segundo lang.



Ewan ko ba kung bakit naba-bother ako na hindi ko nakita si Chase eh hindi naman kami close.



Lumipas na ang tatlong minuto pero hindi parin namin nakita si Chase kaya nagsalita na ulit ang emcee.



“Dahil wala si Mr. Chase Takahishi, it’s time to announce our King of North Academy for this year. You may shout and cheer for..”



*drum rolls*



“Ryder Yoshida.”



*wooo*



*clap clap clap*



*around of applause*



Nagsitayuan ang lahat ng mga tao at naghiyawan pagkatapos nilang marinig ang pangalan ni Ryder. Pero ako naman nagulat ulit dahil sa weird na surname ni Ryder. Kung anong ‘sing weird ang pangalan nila, sing weird din iyon ng apelyido nila.

R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon