“Ano ba!!! Hindi niyo ba talaga maintindihan na hindi ako iyong girlfriend ni Ryder? Ganyan na ba kababa ang tingin niyo sa’kin at iisipin niyong papatol ako don sa gagong Ryder na iyon?”
Kahit na anong pagpumiglas ang gawin ko hindi parin ako makatakas sa kanila. Gangster nga sila dahil ang lalakas nila. Sanay sila sa mga ganitong gawain.
“Dalhin na natin iyan sa hide out.”
Sambit nong isa.
Nadagdagan pa iyong kaba ko pagkatapos kong marinig ang sinabi nong lalaki. Bakit ako nasangkot sa ganitong sitwasyon?
Anong hide out ang sinasabi nila? Anong gagawin nila sa’kin?
“Sumama ka sa’min!!!”
Bulalas nong lalaki pero nagpumiglas ako ng nagpumiglas.
“TULONG!!!!!”
“BITAWAN NIYO NGA AKO!!!!”
Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa maubos na iyong boses ko. Wala akong pakialam kung mapaos man ako pagkatapos nito. Ang mahalaga makatakas ako mula sa kanila. Pero bigla nalang..
*brrrm* *brrrm*
Napatingin nalang ako sa lalaking nakasakay sa motorbike na papalapit sa’min.
*brrrm* *brrrm*
Hindi ko alam kung sino ang lalaking iyon dahil hindi ko makita ang mukha niya dahil sa suot niyang helmet pero sigurado akong hindi iyon si Ryder dahil iba ang motorbike niya kay Ryder.
“P*ta ka!!!”
Bulalas nong isa sa kasama niya.
“Hindi ka kasi nag-iingat kaya nasundan tayo ni Chase!”
Si Chase?
Naalala ko iyong kaibigan ni Ryder na tumawa nong una naming pagkikita. Naalala ko pa iyong ngiti sa labi niya non. Pero anong ginagawa niya dito?
Hindi kami close ni Chase pero sigurado akong kilala niya ako at sigurado akong siya lang ang makakatulong sa’kin ngayon.
“CHASE!! TULUNGAN MO AKO!!!”
Sigaw ko.
Umikot ikot iyong motorbike ni Chase hanggang sa huminto siya sa harapan naming tatlo. Pinatong niya iyong isang paa niya sa lupa saka niya tinanggal iyong helmet niya.
Kelan man hindi ako naging fan ng kahit na sinong gangster. Pero nong si Chase na ang nagtanggal ng helmet niya, bigla ko nalang naisip na may mga gangster din palang cool. Gaya nilang tatlo ni Ryder. Siguro na papraning na talaga ako dahil sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
R.E.D & Dagger (UPDATED!!)
ActionI thought I was in love with the person I love but I was wrong. I thought I was the person whom I thought I was but again I was wrong. The story of lies, betrayal and love.