Pagpasok ko ng school, si Brianna agad ang nakita ko na naghihintay sa’kin sa labas ng school building namin.
“Good morning Alexis.”
Bati niya saka siya tumayo para lapitan ako.
“Good morning din. Hindi ka nasananaghintay diyan. Pwede ka namang maghintay don sa room natin.”
Sagot ko sa kanya.
Paunti unti, nagiging magaan na ang loob ko kay Brianna. Hindi na ako nagtataray sa kanya. Wala din namang patutunguhan kung magtataray pa ako eh hindi naman siya tinatablan. Ang tigas ng ulo eh.
“Okay lang noh. Di ko din naman kasundo iyong ibang kaklase natin.”
Sabi niya.
Sabay na kaming naglakad ni Brianna papuntang classroom namin. Pero hindi pa kami nakakarating ng nakaharang na naman si Ryder sa hallway. Pero ang pinagkaiba lang, hindi niya kasama iyong dalawang kaibigan niya. Wala si Chase at Grey.
Agaw pansin din iyong suot ni Ryder dahil pinatungan pa niya ng kulay black coat ang polo uniform niya. Nilalamigan ba siya sa weather? Ang weird talaga. Feel niya siguro nasaSouth Koreasiya kung maka coat eh.
“Oyy.. Iniintay ka niya..”
Bulong sa’kin ni Brianna saka siya bumungisngis pero patuloy lang ako sa paglalakad ko.
“Shhh... Hayaan mo siya. Mukhang tulog naman iyan.”
Sagot ko kay Brianna.
Nakayuko kasi si Ryder tapos iyong dalawang kamay naman niya eh nasa dalawang bulsa niya. Siguro nakulangan ng tulog tapos iyong hood niya eh nakacover pa sa ulo niya.
Malalampasan nasananamin si Ryder pero bigla nalang niya akong tinawag sa pangalan ko.
“Alexis..”
Ang weird niyang tao. May third eye ba siya? Hindi iyong third eye na nasa noo kundi iyong third eye na nasa ibabaw ng hood na suot niya. Pano ba naman kasi, kahit na nakayuko siya nakita niya parin ako.
“Ano?”
Tanong ko sa kanya in a pagtataray way.
“hihihi.. Maiwan ko na kayong dalawa. Magkita nalang tayo sa classroom.”
Sabi ni Brianna saka niya ako tinapik iyong balikat ko ng ilang beses. Tumango naman ako bilang tugon ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
R.E.D & Dagger (UPDATED!!)
ActionI thought I was in love with the person I love but I was wrong. I thought I was the person whom I thought I was but again I was wrong. The story of lies, betrayal and love.