Chapter 01: Miss Arrogant

6.8K 151 31
                                    

Brianna

First day of school at malapit na akong malate. Binilisan ko na ang paglalakad ko sa hallway ng school namin para makarating agad ako sa room. Kahit na alam kong wala pa talaga kaming pasok eh ayokong malate dahil mag checheck ng attendance ang mga teachers namin. Pero bigla nalang nagsitakbuhan ang mga estudyante na nasa harap ko patungo sa labas ng building.

“May sunog ba?” Tanong ko sa babaeng nakasalubong ko pero hindi niya ako sinagot. Ano kayang meron?

“May fire drill ba?” Tanong ko ulit sa isang lalaki pero sa pangalawang pagkakataon, wala pa rin akong nakuhang sagot. Patuloy lang siya sa pagtakbo niya. Dahil wala rin naman akong makukuha sa mga tao eh tumakbo na rin ako sa pinatutunguhan nila – sa labas ng school building. Nagkumpulan ang mga tao sa harap ng school building na para bang may dumating na artista sa campus.

“Exuse me.. excuse me..” Isiniksik ko ang sarili ko papunta sa harap para makita ko ang tinitignan nila.

“Oh my gosh!” Bulalas ko pagkatapos kong makita ang pinagtitignan ng mga tao. Kaya naman pala nagsitakbuhan sila patungo sa harap ng school building dahil sa kanya. I can’t believe she’s here in front of us.

“Si.. si.. si Alexis Zoey Garcia ba iyan?” Tanong ko sa katabi ko na literal na nakanganga rin tulad ko.

“You’re right. That’s Alexis Zoey.” Sagot niya habang nakatitig pa rin siya sa babaeng nasa harap namin.

Si Alexis ang babaeng titingalain mo at papangarapin mong maging ikaw. Bakit naman kasi hindi eh she has everything a girl could ask for. Ang tangkad niyang babae, siguro nasa 5’7” siya. Ang kinis ng balat niya at ang puti na maiihantulad na ito sa isang porcelain vase. Bumagay din sa kanya ang mahaba at straight niyang buhok na kulay itim. At ang mga mata niya na kulay tsokolate—sobrang ganda na para bang nangungusap. Nakakainggit.

“Pero anong ginagawa niya dito? At bakit suot niya ang school uniform natin?” Tanong ko ulit sa katabi ko.

“Malamang dito na siya mag-aaral.” sagot niyo. “Kaya nga suot niya ang school uniform natin diba?”

Hindi na ako magtataka kung bakit nagkakagulo ang mga tao dahil lang sa nakita nila si Alexis. Kilala kasi siya bilang Princess of the South. Siya ang pinakasikat sa South Academy. She’s rich, talented, matalino, sporty at higit sa lahat maganda siya. Kung sa larong chess, she’s the Queen. Pero ang malaking pinagtatakahan ko eh bakit siya lumipat sa campus namin? Bakit siya lumipat ng North Academy?

Tinitigan na muna ni Alexis ang buong building saka siya naglakad patungo sa amin. Hanggang sa huminto siya sa harapan ko. Literal na nanigas ang buong katawan ko na parang bato dahil sa sobrang pagka intimidate sa kanya. 

“Excuse me. Saan banda ang room 213?” Tanong niya sa’kin gamit ang malamig na boses niya.

Bakit ganun? Bakit parang wala akong maramdaman na kahit anong emosyon sa boses niya?

“Hoy girl! Tinatanong ka ni Alexis.” Malakas na bulong sa’kin ng katabi ko. Kung hindi lang talaga ako siniko ng babaeng katabi ko, hindi na ako nakabalik sa ulirat ko.

“Ahh~ Ahh~ A-no.. Ahh ‘yung room 213 sa a-ano..a-no..se-cond floor.” Pautal-utal na sagot ko.

“Excuse me!!” Biglang bulalas ni Alexis para kunin ang atensyon ng lahat.

“Nakita niyo na ang gusto niyong makita. Siguro naman nagsawa na kayo sa mukha ko. At siguro naman pwede niyo na akong padaanin ngayon. Pwede na kayong bumalik sa pinanggagalingan niyo!” Bulalas niya sa’ming lahat.

R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon