Alexis’ POV
*tok* *tok*
Tinitigan ko iyong pinto. Si Chase kumakatok. Ginulo ko iyong buhok ko dahil hindi ko talaga alam kung papano ko siya harapin. Bakit naman kasi kailangan pang pumunta siya ngayon eh pwede namang bukas. Pwede namang hayaan na muna niya iyong mga sarili namin na kalimutan iyong nangyari.
Iyong nakita ko. Hindi ko parin talaga makalimutan iyon. Pati iyong balat niya sa pwet na hugis puso. Ang awkward!
“Alexis? Gising ka pa ba?”
Tanong ni Chase sa’kin sa kabilang pinto.
Tama Alexis. Magpanggap ka nalang na tulog ka. Humiga agad ako sa kama saka ko kinumutan iyong buong katawan pati ang mukha ko.
Ang hirap naman kasing kalimutan.
“Alam ko gising ka pa. Pero kung hindi mo pa nakalimutan iyong nakita mong magandang view hahayaan na muna kitang samsamin iyon. hehehe”
Ehhh!! Bweset talaga itong si Chase. Siya na nga iyong nakitaan parang siya pa iyong masaya. Kung hindi lang talaga sana ako nahihiya eh baka lumabas na ako ng kwarta para batukan siya nang matauhan.
“Magandang view. Ano naman ang maganda don sa nakita ko.” Bulong ko sa sarili ko.
Narinig ko iyong mga yabag ng paa ni Chase na papalayo sa pinto ng kwarto ko. Siguro bumalik na siya sa kwarto niya.
“AISSH!! Nakakainis talaga!”
-R&D-
Pagising ko sa umaga, sobrang taas na ng sikat ng araw. Tinignan ko iyong wall clock sa kwarto.
“10 AM”
Sobrang late na ako nagising. Expected ko nadin naman iyon dahil hindi talaga ako nakatulog ng mabuti kagabi. Kahit anong posisyon ang gawin ko, hindi parin ako dinalaw ng antok dahil sa sobrang pag-iisip ko sa mga bagay bagay. Iyong tungkol sa Daddy ko, iyong tungkol kay Ryder at sa Papa niya at pati narin don sa ‘magandang view’ na tinutukoy ni Chase.
“Sana naman nakalimutan na ni Chase iyong nangyari kagabi.”
Sabi ko sa sarili ko saka ako bumangon at pumasok ng banyo para mag-ayo.
Pagbaba ko, nakita ko agad si Chase na inaayos ang mesa.
“Good morning Alexis.” Bati niya sa’kin habang nakangiti siya.
“Uhmm. Good morning din. Nagliligpit ka na?” Tanong ko sa kanya.
“Inaayos ko palang. Hindi pa ako naka pag breakfast dahil sobrang late na ako natulog. Akala ko nga eh nauna ka pang magising sa’kin.” Sabi niya.
Tinulungan ko na si Chase sa pag-aayos ng mesa habang tahimik lang ako. Atleast hindi na masyadong akward dahil hindi na niya binanggit iyong nangyari kagabi.
“Oo nga pala.” Pagsisimula ko habang magkaharap kami ni Chase at kumakain.
“Diba sabi ko kagabi na sasabihin mo na sa’kin ang lahat?” Tanong ko sa kanya.
Tahimik lang si Chase saka niya sinubo iyong isang kutsarang kanin. Nginuya niya muna iyon saka siya nagsalita.
“Pagkatapos nating kumain sasabihin ko na sa’yong lahat. Sa ngayon ihanda mo na muna iyang sarili mo sa mga rebelasyon ko.” Sabi ni Chase.
Hindi ko alam kung nananakot ba si Chase o talagang nakakatakot iyong mga sasabihin niya sa’kin. Pero tama nga siya, kailangan kong ihanda iyong sarili ko.
Habang kumakain kami ni Chase, tinitigan ko iyong mukha niya. Ang amo niya tignan. Ang gwapo ng mukha niya. Hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit may konti akong nararamdaman kay Chase.
BINABASA MO ANG
R.E.D & Dagger (UPDATED!!)
ActionI thought I was in love with the person I love but I was wrong. I thought I was the person whom I thought I was but again I was wrong. The story of lies, betrayal and love.