Chapter 10: Red Dress

2.4K 58 27
                                    

Napaluhod ako sa lupa saka ko niyakap iyong dress na

pinahiram sa’kin ni Brianna. Sobra akong nalungkot dahil iyong kaisa-isang pag-asa ko na makapunta sa party, di na matutuloy.

“Okay ka lang Alexis?”

Dahil sa pagdadrama ko, nakalimutan kong nasa likod ko pala si Chase.

Tumayo agad ako habang yakap yakap ko parin iyong damit.

“Kasalanan mo ‘to!!”

Pagbibintang ko sa kanya.

“Huh?”

Nalilitong tanong niya.

“Kasalanan ko? Anong basis mo? Kasi sa pagkakaalala ko, napadaan lang naman ako dito at nakit ko iyong dalawang gago ng Oxygen gang kaya napahinto ako. At dahil don, tinulungan pa kita. Sa tingin mo anong nangyari kung hindi ako napadpad dito sa lugar niyo?’

Alam kong hindi kasalanan ni Chase ang lahat. Alam kong kung hindi dahil sa kanya baka tuluyan na akong tinangay ng dalawang lalaking gangsters na iyon. Kung hindi dahil kay Chase malamang nilapa na ako ng buhay.

Pero kailangan ko lang talaga ng mapaglalabasan ng pagkadismaya ko.

“Iwan mo na nga ako.”

Utos ko sa kanya.

“Mag thank you ka muna. Saka lang ako aalis pag narinig ko na iyan mula sa’yo.”

Sabi niya sabay smirk.

Naiinis ako sa kanya at ayoko nang makipagusap sa kanya pero at the same time, gusto ko ding sabihin ang ‘thank you’.

Siguro nga singtaas ng langit ang pride ko.

“Hindi ko gagawin iyan. Hindi mo maririnig iyan mula sa’kin. Kasalanan niyo ‘to!! Kung hindi dahil kay Ryder at sa’yo wala ako sa sitwasyon ko ngayon. Naiinis ako! Kung hindi dahil sa inyo hindi na sana madudumihan ang isusuot ko sa party. Kung hindi dahil sa inyo..”

“hehehe.”

Hindi pa ako tapos ng bigla nalang tumawa ng mahina si Chase. I swear, may something na kakaiba sa tawa niya. Something na nakakapagpawala ng konti sa galit ko. Something na hindi ko maipaliwanag pero pinapagaan ng tawa niya ang loob ko.

“Anong nakakatawa?”

Tanong ko sa kanya.

“Akala ko naman kasi eh kung anong dahilan at parang naiiyak ka na. Dahil lang pala nadumihan ang damit na hawak hawak mo. Iyan bang isusuot mo sa party?”

Tanong niya sa’kin pero hindi ako sumagot.

Kahit naman sabihin ko sa kanya na ‘oo’ hindi naman matutuloy dahil nadumihan na. Ano nalang ang sasabihin ko kay Brianna nito?

“Halika!!”

Bigla nalang hinila ni Chase ang kanang kamay ko.

“San tayo pupunta?”

Tanong ko.

“Basta sumama ka nalang. Oo nga pala.”

Sambit niya saka siya huminto.

“Akin na muna iyan.”

Kinuha niya mula sa mga bisig ko ang hawak hawak kong gown saka niya ito pinasok sa paper bag.

“Anong gagawin mo diyan?”

Tanong ko.

“Hindi mo na siguro ‘to masusuot dahil madumi na. Diyan na muna iyan para sigurado tayong hindi iyan mawawala.”

R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon