Tumakbo ako hanggang sa nakarating ako sa malaking puno. Nagtago ako don dahil sa sobrang takot ko na madamay don sa away nila.
Nong sa South ako, takot na takot sa’kin ang mga gangsters dahil inakala nilang gangster din ako. Pero ang totoo eh hindi ako gangster. Wala akong alam tungkol sa pakikipaglaban, ang alam ko lang eh ang salitang ‘tapang’.
Inilabas ko iyong ulo ko para makita iyong eksena.
Biglang bumaba iyong isang lalaki mula sa motorbike niya. Bababa din sana iyong kasama niyang nasa motorbike din pero sinenyasan siya nong isa na huwag na.
Siguro iniisip niyang kaya na niyang tumbahin iyong masasamang tao. Sigurado akong siya iyong tinutukoy ng lalaki na Blade dahil sa kanya siya nakatitig nong sinabi niya iyon.
Hinintay ko na tanggalin nong Blade ang helmet niya para masilayan ko iyong mukha niya kahit na sa malayo pero hindi niya ginawa iyon.
Nagulat nalang ako ng isa isa niyang hinamon ang mga lalaki para makipaglaban sa kanya. Akala ko talaga eh mahihirapan siya kahit konti sa pakikipaglaban dahil tatlo sila tapos isa lang siya.
Sinuntok niya iyong isang lalaki saka siya umikot para sipain naman iyong isang lalaki sa likod niya. Paulit ulit na tumumba iyong tatlong lalaki pero paulit ulit parin silang sumubok na patumbahin si Blade pero hindi nila nagawa kahit na isang beses.
Sobra akong nagulat kay Blade. Sobrang kakaiba niyang lumaban kung ikukumpara sa mga nakita ko ng laban ng iba’t ibang gangsters. Iyong sa kanya parang praktisado na talaga, hindi lang basta suntok at sipa kundi para iyong mga suntok at sipa ng mga professionals.Nagulat nalang ako ng biglang naglabas ng kutsilyo iyong isang lalaki. Siya din yong naglabas ng kutsilyo kanina nong hawak pa nila ako.
Akala ko eh bababa na iyong isang kasama niya sa kanyang motorbike para tulungan siya pero hindi parin niya ginawa.Para parin siyang kampante na naghihintay kung kelan matatapos iyong laban.
Dahil sa sobrang kaba ko, tumalikod ako at sumandal sa malaking puno. Hindi ko kayang panoorin ang labanan nila. Pano kung masaksak talaga iyong Blade na iyon? Kahit na magaling siya eh may kutsilyo na iyong kalaban niya.
“Haayy!!”
Napabuntong hininga lang ako saka ko ulit tinignan iyong eksena. Pero sobrang nagulat ako ng magsitakbuhan na iyong tatlong lalaki.*brrrmm* *brrrrrmmm*
Habang nagtatakbuan iyong tatlong lalaki, umalis nadin iyong dalawang lalaki na nakasuot sa motorbike.
Hindi ko man sila napasalamatan.
Gusto ko silang pasalamatan pero hindi ko alam kung papano.
Madaling araw na ng makarating ako sa bahay ko, matutulog na sanaako ng maalala ko na wala na pala sa’kin iyong singsing.
Hindi ko nabawi don sa mga tatlong lalaki. Sigurado akong nabenta na nila iyon.
Mas lalo akong nalungkot dahil iyon lang iyong tanging bagay na nakakapag-paalala sa Daddy ko pero nawala ko pa.
-R&D-
Pangatlong araw ko na sa North Academy. Di tulad nong unang araw ko, medyo magaan na iyong mga tingin ng mga tao sa’kin.
Iyong iba ngumingiti na sa’kin pero deadma parin ako.
“ALEXISS!!!”
BINABASA MO ANG
R.E.D & Dagger (UPDATED!!)
ActionI thought I was in love with the person I love but I was wrong. I thought I was the person whom I thought I was but again I was wrong. The story of lies, betrayal and love.