“Huh? Hinanap mo ako?”
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Chase.
“Actually hindi. hehe. Alam ko kasing magkasama kayo ni Ryder. Hindi ko lang inasahan na makikita pa kita ngayon. Akala ko kasi talaga na hindi na kita makikita ngayon.”
Sambit nito saka siya ngumiti.
Kahit na medyo madilim, memoryadong memoryado ko parin iyong ngiti niya. Iyong ngiti niyang nagbibigay ng kakaibang feeling sa’kin na hindi ko maintindihan. Iyong feeling na nagpapalito sa’kin.
“Ahh. Ganun ba. Bakit hindi kita nakita kanina?”
Tanong ko sa kanya.
“Kararating lang namin. Nong tinawag ka sa stage, kararating lang namin ni Grey non. Si Ryder naman nauna ng ilang minuto sa’min. May inasikaso lang kasi kaming tatlo na importanteng bagay. Akala nga namin di na kami makakarating.”
Sagot naman ni Chase.
“Ano naman iyon?”
Tanong ko ulit sa kanya pero sinagot lang niya ako ng ngiti.
“Naalala mo pa ba iyong hiningi kong pabor sa’yo?”
Tanong ni Chase sa’kin na nagpatibok ng husto sa puso ko. Akala ko nakalimutan na niya ang tungkol don. Akala ko hindi na niya inalala iyon.
“Haa?”
Pag-aalangan ko.
Nong una, hinanap ko si Chase dahil hindi niya ako sinayaw. Pero ngayon na tinatanong na niya ako tungkol sa favor niya parang nagaalangan na ako.
Nakakahiya pala.
“Nakalimutan mo na ba iyon?”
Tanong niya sa’kin.
“Haa? Ahh. Ano. Hindi naman pero ano lang.. Wala namang music..”
Sabi ko.
“Makakasayaw parin naman tayo kahit walang music.”
Sabi ni Chase.
“Ipikit mo lang ang mga mata mo.”
Sabi niya sa’kin.
Bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko saka niya ako pinalapit sa kanya. Di nagtagal, nakahawak na siya sa magkabilang bewang ko habang nakapikit.
Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko pero napapikit nalang din ako pagkatapos kong ipatong ang mga palad ko sa balikat niya.
Walang music na tumutogtog pero pakiramdam ko meron. Hindi ko maintindihan pero sa tuwing kasama ko si Chase, para niya akong dinadala sa ibang dimensyon ng mundo.
Parang nakakalimutan ko ang sarili ko. Parang nakakalimutan ko ang problema ko. Parang nakakalimutan ko ang lahat. Si Chase lang at ako ang nasa isipan ko. Parang kami lang dalawa ang nag eexist sa mundo.
Ang weird ko.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal nanatiling ganun ni Chase, pero ang alam ko masaya ako.
“Tayo na.”
Sabi ni Chase saka niya ako hinigit ang kamay ko.
“San tayo pupunta?”
Tanong ko habang tumatakbo kami papuntang parking space.
“Itatakas kita. hehe”
Sagot niya sabay tawa.
BINABASA MO ANG
R.E.D & Dagger (UPDATED!!)
ActionI thought I was in love with the person I love but I was wrong. I thought I was the person whom I thought I was but again I was wrong. The story of lies, betrayal and love.