Chapter 16: Confused

1.9K 64 25
                                    




“Sige po Sir. Bababa na po muna ako. Happy birthday po. Sorry po talaga at wala po akong dalang regalo.”



Sabi ko sa Papa ni Ryder. Mukha kasing may pag-uusapan pa sila ng anak niyang si Ayami.



“Sige Ms. Garcia. Aasahan kita.”



Sabi nito saka siya ngumiti. Ngumiti din naman ako pabalik saka ko tinignan si Ayami.



“Mauna na muna ako.”



Mahinahong sabi ko sa kanya.



“Alright. See you around.”



Sabi nito.



Hindi ko alam kung ngumiti ba siya sa’kin o hindi dahil natabunan iyong buong mukha niya sa suot niyang mask. Pati iyong boses niya nag-iba dahil sa mask.



Ngumiti ako sa kanya saka ako bumaba ng hagdan.



Palibot libot ulit ako sa buong first floor para hanapin si Ryder. Naalala ko pa iyong suot niya pero hindi ko talaga siya mahanap. Nakakahiya naman kung magtatanong ako sa mga tao kung nasan si Ryder eh hindi ko naman sila kilala.



*Boggshh*



“Awww Sorry Sorry!”



Bulalas ko pagkatapos kong makabangga ang isang matangkad na lalaki.



“It’s okay.”



Sagot nito.



Aalis na sana ako ng bigla nalang nakuha nong lalaking nakabangga ko ang atensyon ko.



“Alexis? Ikaw ba iyan?”



Tanong nito sa’kin.



Inangat ko iyong ulo ko para tignan siya. Nakasuot siya ng gold mask na nag match sa gold neck tie at black coat niya.



“Chase?”



Ngumiti naman si Chase na nagpapahiwatig na tama iyong hula ko.



“Andito ka pala.”



Sabi nito.



“Ahh oo. Ano lang kasi. May nag invite sa’kin. Si Ryder. Oo nga pala. Nakita mo ba siya? Kanina ko pa kasi siya hinahanap.”



Tanong ko.



“Magkasama kami kanina pero lumabas siya dahil may inasikaso. Babalik naman siguro siya mamaya.”

R.E.D & Dagger (UPDATED!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon