50 | Gay

948 40 5
                                    

50 | Gay

_________

After that talk, pakiramdam ko ay mas naging konektado kami sa isa’t isa. Mas nagkakaintindihan kami at mas nagpapakumbabaan. Although we still fought from time to time, they weren’t as bad as before.

We felt like a mature couple.

“Finally!” Xavier reacted. “Akala ko habambuhay mo na lang papaasahin ‘yon.”

Ngali-ngali kong tampalin ang bibig niya. “Hindi naman ako ganyan! Grabe ka!”

“Anong hindi? E, ang tagal nang nanliligaw no’n. Tapos ngayon mo lang naisipang sagutin.”

“Because I had to be sure!”

“Ang sabihin mo, hindi ka hinahabol ng mga naging jowa mo noon kaya feel na feel mo no’ng – aray ko!”

Kinurot ko siya. Ang daldal, e. Kung ano-anong sinasabi.

But, yeah, finally. After so many months, I decided that I had seen enough of Markus’ sincerity. It was our time to be official.

I planned to ask him if he still wanted to be my boyfriend this Saturday. I made some arrangements in the house. Sakto rin kasing wala ang mga tao sa amin kaya malaya akong gawin anuman ang gustuhin ko. I planned it to be as romantic as possible yet simple.

Boyfriend. I felt shivers down my spine. I could hear the world laughing at me once we finally became official.

Sino ba kasing mag-aakala na mai-in love ako sa lalaki?

“Grabe pagmamahal mo sa lalaking ‘yon, ano? Nakakabawas ng angas,” Xavier said as we walked to the cafeteria.

“Anong nakakabawas ng angas? Mas nakakaangas kamo.”

“You only dated girls before. But you broke your rules for him.”

Ngumuso ako at hindi na nagsalita pa.

In a way, he was right. Markus was my only exception. And I was sure he would remain to be forever.

“So, kumusta na ‘yong crush mo?” nakangising tanong ko kay Xavier habang nasa counter na kami.

Recently, he told me someone from his bloc caught his attention. I had seen the girl. Cute at petite. Sobrang kabaliktaran ko, which I joked about a lot.

He had moved on from me and I couldn’t be happier for him.

“Buhay pa,” he bitterly said. “Hindi ko rin maintindihan ang isang ‘yon. Minsan, hindi ako pinapansin.”

“Baka may ginawa ka kasing ‘di niya nagustuhan.”

“Pa’no ko naman ‘yon malalaman kung ‘di niya sinasabi?”

Dalang-dala siya sa usapan kaya dinahan-dahan ko ang mga reaksyon. All I could think of was that I was thankful Markus and I were passed that stage.

“Tatanungin mo ba talaga siya kung p’wede mo na siyang maging boyfriend?”

I nodded. “Oo.”

“Pa’no kung sabihin niyang hindi?”

Bumagal ang pagnguya ko. “Bakit naman hindi? E siya nga ‘tong atat na atat na magka-label na kami.”

“Halimbawa nga lang, ‘di ba? Pa’no kung gano’n?”

Napaisip ako. At doon ko na-realize na wala akong ideya kung ganoon nga. Kasi siguradong-sigurado ako na gustong-gusto ni Markus na maging boyfriend ko.

Hardest to Lose (Villaraza Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon