Prologo

4.3K 119 21
                                    

Prologo

━━━━━━━

Does love has requirements to be considered one?

"Uy! Grabe! Ang dami niyan, ah."

"Ikaw na talaga, Iñara. How to be you po?"

"Hiyang-hiya naman ako sa mga patsokolate. Parang isang buwan ko nang allowance 'yang mga dala mo, ah."

Tipid na lamang akong ngumiti at ipinatong sa arm rest ang mga dala, na siyang mali dahil nahulog ang karamihan sa sahig. Bumuntong-hininga ako saka sinimulang pulutin ang mga iyon. Tatawa-tawang tinulungan ako ng ilang kaklase ko na may pang-aasar pa.

It was Valentine's Day. JS Prom. Supposedly, walang pasok ngayong araw. But being the student president of the whole school, I needed to be here. I was the leader of the committee entrusted with the stage decoration. Since the school didn't want us to paint the stage, ang kulay maroon na tela ang inaayos namin. Too plain. Kaya babawi na lamang kami sa mga bulaklak, lobo, at kung ano pang maisipan namin para maging buhay ang stage at akma para sa okasyon.

"Nakakainggit ka talaga, Iñara. Kada Valentine's Day, ang dami mong inuuwi. Wait. Kahit wala namang okasyon, meron at meron. Baka p'wede namang mag-share ng kagandahan d'yan, o."

Tumawa na lamang ako at dinaluhan sila sa pag-pin.

I didn't really get it why people were acting like this around me. I knew I was beautiful. But they were all beautiful, too. Bakit naiinggit sila sa akin? Bakit hindi nila makita na katulad ko ay maganda rin sila?

Napailing-iling na lamang ako na agad nasundan ng singhap nang kamuntikang matusok ang daliri.

"Feeling ko ikaw ang magiging prom queen."

Tumawa ako. "Maraming mas deserving sa titulong 'yan. Not me."

"No one deserves that title other than you. Ikaw kaya ang pinakamaganda rito sa buong school."

I pursed my lips and decided not to comment. Hindi pa roon natapos ang mga papuri nila sa akin. They went on and on as I lost my interest. Hindi ko na lang din pinansin maliban na lang kung talagang tinatawag nila ako.

"Panigurado, si Markus na naman ang prom king."

Sandali akong natigilan nang narinig ang usapang iyon. Kung hindi pa ginalaw ng kasama ko ang kamay na nakalahad sa akin para sa box ng pins ay hindi ako matitinag sa pagkakatigil. I smiled apologetically and handed what she needed.

"'Sus! Tinatanong pa ba 'yan? Kung 'di siya, 'yon ang kuwestiyonable!"

"Alam mo ba kung sinong date niya?"

"Wala 'kong balita, e. Pero sabi ni Danikka, siya raw." She sounded salty. "As if naman. Markus isn't the type to recycle, 'no. He dumped her already. Magtigil na siya sa pagpapapansin!"

"Ang balita ko, he's dating some college girl. At napakaganda raw sabi no'ng pinsan ko. Nakakaloka!"

"He has this exquisite taste with women." She sighed dreamily. "Kaya wala talaga tayong pag-asa sa kanya."

"Hindi na 'ko umaasa, girl. Tanggap ko na rin na 'di niya talaga 'ko mapapansin."

"Iñara, do you have any idea who's Markus' date later? Sa tingin mo ba 'yong sinasabing nasa college niyang girlfriend?"

Natigil ako sa ginagawa at nilingon ang mga kuryuso kong kasama. They all looked like leopards impatient for their breathing meal. Bahagyang nanlalaki ang mga mata nila sa ibinibigay na atensyon sa akin.

Hardest to Lose (Villaraza Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon