01 | Girlfriend

3.1K 105 41
                                    

01 | Girlfriend

“And the Miss Intramurals of this year is none other than . . .”

Humigpit ang hawak sa akin ng magandang binibini sa harap ko. Our hands were intertwined as we waited for the decision of the judges. Ramdam na ramdam ko ang hindi sinasadyang pamamawis ng mga kamay ko maging ang imboluntaryong malakas na paghampas ng kaba sa aking tadyang. Gusto ko sanang ngitian ang babae para kahit paano ay kumalma siya. Pero hindi ko magawa dahil baka ngiwi rin lang ang mangyari.

She was nibbling her lower lip, closing her eyes as if praying she would win the favors of the heavens. She was the representative of Unit II. Mula yata siya sa College of Business Management and Accountancy. Kung hindi ako nagkakamali, First Year din siya. She looked fresh and pretty. And competitive.

Dapat talaga ay hindi ako narito. But shit happened.

Hindi naman talaga dapat ako ang ilalaban sa kompetisyong ito. Yesterday, I went to school only to watch boxing and women’s basketball. Then, I was dragged by the student council president of the College of Engineering and begged me to save their asses. Naaksidente raw ang representative namin sa Miss Intramurals kaya ako ang gusto nilang pumalit. Hindi naman talaga dapat ako papayag pero nang nakialam na ang dean namin, hindi na ako nakapagprotesta.

Nagkakagulo ang audience. They were chanting their bet between us. Gusto kong matawa nang nakita si Gio, a close friend, na isa sa hindi magkamayaw sa pagwagayway ng ginawa niyang placard na may picture ko. Napaka-supportive. Kinuha niya pa yata sa Instagram account ko iyong picture ko. Nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya, he got excited and started screaming my name and what-nots.

Baliw talaga. Kunsabagay, I was crazy myself. Kaya nga close friends kami.

“Iñara! Iuwi mo ang korona! Unit III!”

I made a funny face. He just grinned and started screaming again. Mas umingay na rin kasi ang iba na parang nakikipagkompetisyon sa ginawa niya kanina.

“. . . Contestant Number 4, Unit III! Miss Romina Iñara R. Villaraza!”

Iyon lang at mas lumakas ang hiyawan sa buong gymnasium. Nagwawala ang mga ka-unit ko lalo na ang mga aspiring civil engineer na katulad ko.

Mabilis ang mga pangyayari. The first runner-up congratulated me with some tears in her eyes. Pero nakangiti naman siya sa akin. It kind of bothered me. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na puwede naman siguro siyang sumubok ulit next year. With her attitude, feeling ko ay mananalo siya. But I missed the chance when the other girls came to me and filled my ears with praises.

Kung hindi pa lumapit sa akin ang isang lalaki para sa sash at bouquet ay hindi nila ako tatantanan.

I just won.

Wild!

“Congrats!” bati sa akin ni Abegail, the former Miss Intramurals.

I held my crown to support it and smiled sweetly at her. “Thank you.”

She surveyed my entirety before returning my smile then gracefully walked away. Pinigilan ko ang sariling mapangiti at ibinaling na lamang ang atensyon sa audience saka kumaway.

“Congrats! Hindi talaga kami nagkamali sa pagpili sa’yo,” ngising-ngising sabi sa akin ni Arielle, our student council president, habang inaalog ang kamay ko.

I just laughed awkwardly.

Matapos ang picture-taking kasama ang mga judge, student council, at ibang contestant ay nagpaunahan na ang mga ka-unit at kakurso ko sa stage. Gio immediately found his way beside me, or everyone just let him be wherever he wanted to be. He grinned at me knowingly which I returned quickly.

Hardest to Lose (Villaraza Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon