Simula

1.4K 47 5
                                    

Simula


Nakikinig ako ng maayos sa bilin ni Madame X, ang aming mayora sa pinagta-trabahuan kong club. Ang sabi niya, magkakaroon daw ng mga bigating business man dito sa club mamayang gabi kaya dapat maging maayos ang pagta-trabaho namin. Tumango ako ng tumingin siya sa akin.

"Elisha, ayusin mo ang pagbi-benta ng sigarilyo para marami tayong kita!" singhal niya sa akin.

Palihim akong umirap sabay ngisi. Bawal kasing magreklamo dahil kapag ginawa 'yon, siguradong hindi ka na sisikatan ng araw sa trabaho. Sa panahon pa naman ngayon, ang hirap ng walang trabaho! Ultimo pambili ng asin ang hirap-hirap! Tapos kailangan may pera ako dahil tuwing sabado ako nagbibigay kay Mama sa probinsya.

Wala na kasi kaming Tatay. My father died long time ago. Simula ng magkaroon ako ng pag-iisip, natuto akong maghanap ng pera para sa pamilya. Kung aasa kay Mama tiyak na kulang pa iyon para sa pangkain namin.

Diyos ko, apat kaming magka-kapatid. Ako ang panganay tapos may tatlo pang nag-aaral. Hindi ko na ngalang tinapos ang college kasi kailangan kong makipagsapalaran dito sa Manila. But yes, I finish my second year college in our province. Education student, major of Social Studies.

I really want to finish my college but I guess, it was not meant for me. Kaya imbes na maging tambay sa bahay, nagpatuloy ako kay Madame X slash Tita Xenia na ipasok sa kung saan-saan na trabaho.

Tita Xenia is my father sister. She is based in Manila, a manager of a famous club. She recruiting beautiful and sexy women to work as poll dancer or entertainer sa club. Nung una, gusto kong sumabak sa pagiging poll dancer kasi malaki ang sweldo tapos may tips pang nakukuha sa mga customers but my Tita didn't let me.

Imbes sa poll dancer, naging saleslady nalang ako ng mga cigarettes na bini-benta sa club. Kaunti lang ang sweldo, nasa 4k lang ang nakukuha ko kapag swelduhan na. Hinahati ko pa 'yan para sa pagpapadala kay Mama tapos sa pagkain ko dito. Mabuti nga't nasa bahay ako ni Tita Xenia nakatira pansamantala kasi kung hindi, baka wala akong maibigay kay Mama.

Isa sa nagustuhan ko dito sa club ay hindi naman ako nababastos. May mga customers na gusto akong i-book as escort pero bawal dahil iyon ang condition ni Tita. She want me to stay selling the cigarettes than being escort. Alam ko naman kasi ang mangyayari kapag pumayag akong maging escort.

Ayon kay Marita, malaki ang kita sa pagiging escort. Nung una niyang client binigyan siya ng 50k, yung pangalawa ay 70k depende daw sa performance mo as escort. Tapos bukod sa bigay ng client, iba ang sweldo sa club kaya doble ang perang nakukuha niya!

Hanep, kung ako 'yon, siguradong hindi na ako mahihirapan pang mag-budget sa pera. Pero ayaw talaga ni Madame X dahil ayaw niyang madungusin ang pagkatao ko.

After the meeting, nagsimula na kami sa trabaho. Suot ang uniform ko, ngumiti ako sa mga kalalakihang nag-inuman sa VIP. Puro mayayaman ang nandito. Puro waldas ng pera! Naku, kung ako lang talaga ang mayaman, I wouldn't waste my money! Itong mga anak ng mayaman, waldas lang ng waldas e! Palibhasa anak mayaman!

"Hope, sir?" masuyo kong ngiti sa medyo gwapong lalaki.

He nodded. Kumuha ako ng sigarilyo at binigay sa kanya. Binigyan niya ako na sobra sa bayad at alam kong tips niya 'yon. Ngumiti ako at nagpatuloy sa pagtitinda. Nang lumipat sa ibang lamesa, una kong nakita ang isang lalaki na nakikipaghalikan kaya umiwas ako ng tingin.

Mga atat naman! May room sa club kaya bakit hindi nalang mag-room ano? Hindi 'yong sa harap ko pa maglalapaan! Alam kong single ako pero sa mga oras na ito, mas gusto kong unahin ang paghahanap ng trabaho kaysa pagkakaroon ng boyfriend! It's not my thing!

"Miss, okay ka ba ngayon?" malagkit na boses ng isang lalaki.

Umiling ako at ngumiti. Kailangan pa ring respetuhin dahil mayaman sila at customer!

"No, sir. I'm not for escort, I'm sorry." marahan kong sagot.

Nadismaya ang kanyang mukha. Mabilis akong lumakad palayo dahil alam kong mangungulit 'yon. I even heard their conversation.

"Ano pre, pumayag?"

"Hindi e. Hindi daw siya escort."

"Sayang, gandang-ganda talaga ako sa babaeng 'yon tsaka tangina, sexy at malaki ang boobs!"

Napailing-iling nalang ako. Sobrang makasalanan talaga ang club. Dito nagkakaroon ng iba't-ibang ginagawa ng mga tao. Escorting, drugs, alcohol and sex! Kung may iba lang ako na pwedeng pasukan na trabaho, I will grab it immediately!

Nagpahinga muna ako sa labas ng club. Pwede naman kaming lumabas kapag break time. Madilim at malamig ang hangin. Muli kong naisip ang trabaho. Saan kaya ako pwedeng makahanap ng bagong trabaho? Iyong matino at malaki ang sweldo! Hindi naman mahigpit si Tita Xenia. Hindi niya ako pinapirma ng kontrata kasi gusto niyang makaalis ako ng club na walang problema.

Natigil ako sa pag-iisip ng may tumigil na isang babae sa harap ko. She's wearing a formal dress. Parang galing pa yata siya sa office. Kumunot ang noo ko.

"Hello, Miss." she greeted.

I nodded and smiled.

"Yes?" tanong ko.

She sighed. She's wearing eyeglasses while folder in her arms.

"Ano kasi, naghahanap kasi ng katulong ang anak ng boss namin. Maglilinis lang ng condo, aayusin ang mga damit ni senyorito, tapos magluluto ng pagkain. Baka may kakilala kang pwedeng pumaso?" she said formally.

Ngumuso ako. Katulong? Housemaid kumbaga? Wow, chance ko na itong makahanap ng bagong trabaho!

"Magkano ba ang sweldo?" usisa ko.

She smile at me.

"100k per month, with health benefits and bonus every season." sagot niya na nagpalaki sa mata ko.

Oh my God! 100k per month! Seryoso ba 'to!? Aba'y sobrang yaman naman ng boss niya kung ganoon!

"Totoo yan? Baka tsismis mo lang?" nakataas kilay kong sabi.

Umiling si girl at ngumisi. Mukhang totoo nga.

"Hindi. Totoo talaga ang sweldo na 'yan." sagot niya.

Napahinga ako sabay nagkaroon ng excitement sa loob ng puso. 100k a month, with health benefits and bonus! Kung ako ang papasok, siguradong hindi na ako mahihirapan pang magbigay ng pera kay Mama! Maibibigay ko sa kanila ang magandang buhay! At makakapag-ipon pa ako ng pera! Wow, this is a great opportunity!

"Baka pwedeng ako nalang?" hilaw kong ngisi.

The girl sigh and stare at me.

"Are you sure?" she said.

I nodded happily. Sure ako! Ang laki kaya ng sweldo tapos may mga benefits pa!

"Oo, miss. Baka pwedeng ako nalang." pag-uulit ko.

She nodded.

"Alright. Bukas, magkita tayo sa Almuevo Associates of Engineering Main Office, first floor. I will let you read and sign the contract." she said.

Tumango-tango ako at ngumiti. Totoo ba talaga 'to? Hindi ba talaga ako nananaginip? Totoong offer ba ito? Grabe naman kasi ang sweldo, 100k per month! Kahit sino, talagang tatanggapin ang trabaho na 'yon kasi malaki ang sweldo! Talo ko pa ang mga professional sa sweldong matatanggap kada buwan!

"Kakausapin ka rin ni Ma'am Adah tungkol sa mga condition. Sige, kita nalang tayo bukas." aniya sabay lakad palayo.

Kumaway ako na parang siraulo dahil sobrang excited ako at masaya. Imagine, 100k per month! Tapos ang trabaho ay paglilinis, pag-aayos ng damit at pagluluto ng pagkain ni senyorito! Napatingin ako sa langit, ngumiti ako sabay paghingi ng pasasalamat sa Panginoon.

Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon