Kabanata 1
Like
Manghang-manghang ako habang pinagmamasdan ang bahay na pinasok ko. Ito ang mansion na tinuro ng babaeng naghahanap ng kasambahay. Bagama't kinakabahan, nagawa ko pa ring kiligin sa sobrang ganda ng mansyon.
Nakaupo ako sa malambot na sofa at nakanganga sa mga decorations ng library na pinapasukan sa akin ng kasambahay nila dito. Sobrang ganda talaga. Siguradong mamahalin lahat ng ito.
Biglang bumukas ang pinto at nalaglag ang panga ko ng makita na pumasok ang napakagandang babae. She was wearing a very elegant dress and sandal. Siguro kagagaling lang niya sa party or business nila? Basta sobrang ganda niya.
"You must be Elisha Basierto?" marahan niyang bigkas sa pangalan ko.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot dahil kinabahan na talaga ako ng husto. Umupo siya sa swivel chair at humarap sa akin. Napalunok ako at pinagpapawisan na.
"Miss, your name is Elisha Mathilde Basierto?" muli niyang pagbigkas sa pangalan ko.
Napatango ako at napahinga ng sobrang kaba. Ngumiti siya kaya mas lalo akong nawindang sa kagandahan niya.
"Alright. I'm Adah Almuevo. I'm the mother of your soon to be boss." aniya sabay buklat ng folder sa harap niya.
Tumango ako at hindi makasagot. Parang nabulol ang dila at hindi makasagot sa kanya. Sobrang ganda niya kasi. Nakakakaba ng husto ang kanyang boses. Anghel kung magsalita at anghel din ang mukha.
Bumukas ang pinto at pumasok naman ang isang mataas at gwapong lalaki. He looks matured. Hindi ngumiti ng makita ako pero pumungay ang kanyang mga mata ng bumaling kay Ma'am Adah. Asawa niya siguro?
"Hi, love." bati ng lalaki sabay halik sa labi ni ma'am Adah.
Gosh, sa harap ko pa talaga ginawa! Hindi naman bago sa akin pero shit, nahihiya tuloy ako. Mag-asawa nga siguro sila. Ang perfect nilang dalawa! Ang ganda ng babae at gwapo rin ng lalaki.
"How's the meeting?" marahang tanong ni ma'am Adah sa kanyang asawa.
The man sighed heavily.
"It's fine. Rahim already at his condo." sagot ni sir.
Ngumiti si ma'am Adah at bumaling sa akin. Bigla tuloy akong na-conscious sa tingin ni ma'am. Nakakapanghina ng loob ang presensya nila.
"Love, ito nga pala si Elisha Mathilde Basierto, ang magiging kasama ni Rahim sa condo. She will take care of our son." sabi ni ma'am sa kanyang asawa.
Bumaling sa akin si sir at tumango. Hindi manlang ngumiti at seryoso ang mukha. Ngumiti ako at napahinga ng malalim. Ano ba 'to, hindi manlang sinabi sa akin ng babae na ganito pala ang haharapin kong mga amo. At lalaki pa talaga ang aalagaan ko ha! Bakit? Tamad ba ang kanilang anak sa gawaing bahay at hindi kayang mabuhay ng walang kasama sa condo nito?
Namulat ako sa mundo na responsibilidad ang pamilya. Kailangan magtrabaho dahil walang ipapakain sa pamilya ko kung hindi ko gagawin 'yon. Tapos ngayon, malalaman kong ganito ang buhay ng magiging amo kong anak nila? Buhay mayaman nga naman!
"Miss, this will be the sequence of your work. Our son needs helper in his condo. Kauuwi lang kasi galing sa America at kailangan niya ng katulong sa condo niya. Do you know how to cook?" si ma'am Adah.
Tumango ako at ngumiti.
"O-opo... madame," mahina kong sagot.
She nodded.
"Mabuti. Kailangan kasi niya ng tagapagluto. I'm sure, you know to laundry and clean the house?" dagdag ni ma'am.
"Yes po. Maaga po akong namulat na magtrabaho kaya maaga rin akong natuto, Madame." sagot ko.
She smiled.
"Don't call me Madame. Just ma'am or Tita Adah nalang." aniya sabay baling sa asawa.
Kitang-kita ko kung paano ikulong ni sir ang baywang ni ma'am sa kanyang braso. Grabe, sobrang PDA naman nila!
"Ay sige po, Tita Adah." nakangisi kong sabi.
Unti-unting nawala ang kaba kaya nakakapagsalita na ako ng tuwid ngayon.
"Good. Anyways, ibibigay ko ang mga pagkain na kailangan mong lutuin para sa anak namin. Mga grocery na kailangan niyo sa condo at toiletries para sa kanya. Sensitive masyado ang magiging boss mo, Elisha." si Tita Adah.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Walang problema sa akin 'yon. Basta yung sweldo walang magbabago. Kung ano ang sinabi sa akin ng babae na nag-recruit, yun din sana ang ibigay na sweldo sa akin.
"Here's the term for your work. You have all the time to stay. You can resign if you want. The salary will be 150 thousand every month, diretso sa bank account mo. Don't worry, kami ang bahala sa lahat, ibibigay namin sayo ang ATM mo para sa sweldo mo. The health benefits will also cater you. Bonuses will be included. May isang ipagbibilin lang kami sayo, Elisha." aniya sabay baling sa kanyang asawa.
150 thousand a month? Naka bank account pa! Tapos sila pa ang mag-o-open ng account para sa akin! Wow, ang gara ng pamilyang ito! Mayaman talaga! Walang problema sa pera. Sino ba ako para tumanggi? Ang laki na ng sahod at marami pang ibibigay bukod sa sweldo.
"Do not let my son lure you. He's a jerk. As long as possible, stay serious in the work." bilin ni ma'am Adah.
Hindi ko 'yon kinalimutan habang nagsisimulang magtrabaho sa condo ng kanilang anak. After our talk, hinatid agad ako sa condo ng anak nila. Ang mga damit ko ay ihahatid nalang din nila sa akin. Ngayon, para akong tanga na nakaharap sa malawak na unit na ito. Sobrang ganda ng condo room! Wala akong masabi sa kanila.
Pagkapasok ko, wala naman ang boss ko kaya hindi ko alam kung ano ang itsura niya. Nilapag ko ang folder na bigay ni ma'am Adah. I signed a contract for the terms. Binigyan niya ako ng copy para sa akin.
Naisip kong tignan muna ang bawat sulok ng condo. May second floor ito. Malawak ang kusina, may common comfort room sa baba. May guest room sa taas. Puro mga wall glass kaya kahit saan ka tumingin, makikita mo ang syudad.
Hindi naman siguro mahirap ang magiging trabaho ko dito. Tsaka mukhang matanda na rin ang aalagaan ko kaya madali lang 'to. Ang importante, malaki ang sweldo! Palabas na ako ng kusina ng mapahinto sa nakita.
Walang suot na damit ang lalaking nakatayo at nakaharap sa wall glass. May hawak na baso at iniinom iyon. Napanganga ako sa katawan ng lalaki. It was fucking built-well! Makisig, mataas at kahit hindi ko pa nakikita ang buong mukha, I'm sure, napakagwapong lalaki nito! I guess, I will really like it here.
---
© Alexxtott
BINABASA MO ANG
Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love (HANDSOMELY COMPLETED)
RomansaStatus: Completed Start: November 16, 2022 - November 30, 2024 Alam ni Elisha Mathilde na ang kanilang buhay ay hindi katulad sa ibang tao. Simula ng magkaroon ng isip, alam niya ang kalakaran ng buhay. Her mother taught her that life must be proces...