Kabanata 7

321 21 1
                                    

Kabanata 7

Pwede


"Mama, I'm fine. She's still here. Don't worry, okay?"

Kunwaring naglilinis ako ng living room habang nakikinig sa pag-uusap ni Rahim at Tita Adah. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong makinig gayong hindi ko naman ugali ang pagiging chismosa. Baka ngayon makaugalian ko na 'yon.

"It won't happen, Ma. Stop worrying okay? I don't want you to get stressed just because of me. Enjoy your vacation with Papa." aniya sa malambing na boses.

Ganoon pala makipag-usap si Rahim sa Mama niya. Parang akala mo anghel na bumaba kung marinig mo ang kanyang boses. Well then, it's his mother. He loves his mother. That's why, ganoon siya makipag-usap. Ramdam ko ang pagiging sincere at pagmamahal niya sa kanyang Ina.

"I'm going to do that, Mama. I don't bring girls to my penthouse." pagpapatuloy ko sa pakikinig.

Hindi pa ako nakuntento, hawak ang vacuum, lumapit pa ako ng kaunti sa kanya, nakatayo siya at nasa harap ng wall glass kung saan kita ang syudad ng Manila. Matangkad siya. Marahas rin ang anyo ng kanyang mukha. Pero kahit nakatalikod pa lang yan, alam mong gwapo siya.

His curly hair is making him more sexy and gives more power to his sex appeal. Ang kanyang braso ay busog, animo'y ginagawang gym ang bawat oras. Nakasuot lang siya ng sweat pants at itim na sando. Ang bango rin jusko!

To be honest rin talaga, itong si sir Rahim ay masarap. Kung hindi lang ako personal maid niya dito, baka pinatulan ko na 'to sa ibang paraan. Sayang sa bar noon, maraming mayayaman ang gusto akong kunin bilang escort!

Marami 'yon pero ayaw ni Madame X kasi hindi daw 'yon parte ng trabaho ko. She let me work as her cigarette girl not to be her escort girl. Kaya minsan naiisip ko ang mga bagay na ginawa sa akin ni Tita Xenia. Mali ko lang ay nasabi ko kay Rahim 'yon kaya ngayon, wala na siyang bar.

"Mama, I'm not bringing girls here. Who told you that?" nagiging seryoso na ang kanyang boses.

Sus Tita Adah, wag kang maniwala dyan sa anak mo! Unang pasok ko palang dito, used condom ang bumungad sa akin sa kwarto niyan! Huwag niyong sabihin na pinaglaruan niya lang 'yon? Ano ginawang lobo?

"Sometimes, Papa is not telling the truth. Sinisiraan niya lang ako sayo. Do not listen to him when he talks about me."

Hala! Papa niya 'yon ha? Bakit ganoon siya sa kanyang Papa? Ang yummy rin kaya ni sir Rajik! Kung hindi nga lang kasama si Tita Adah during nung first meeting namin, baka nalandi ko na Papa niya!

"I love you, Mama. I'm really okay here. We're fine. I love you." he said softly to his mother.

Yumuko ako at nangiti sa narinig. Wow, ang lambing niya pala sa kanyang Mama. Nagkunwari na naman akong nagva-vacuum kahit pa wala namang dumi ang sahig. Nakangisi pa ako niyan kaya nung inangat ko ang ulo, nasalubong ko ang nagtatakang mga mata ni Rahim.

"What are you doing?" he asked me.

Nag-ngising aso ako at pinakita ang paglilinis ng sahig.

"Naglilinis po." nakangisi kong sagot.

Kunot ang kanyang noo.

"Cleaning while listening to my call with my mother?"

Natumpak niya! Shit! Umiwas ako ng tingin kasi bigla akong nahiya.

"Ah, hindi naman. Ba't naman ako makikinig?" dahilan ko.

Ngumuso siya. Nandito lang kami sa penthouse ngayong araw kaya wala siyang lakad. Napatingin tuloy ako sa kanyang katawan. Hindi ko mapigilan na tumingin sa umbok na nasa gitna ng kanyang hita.

Shit! Grabe talaga ang sweat pants! Napalunok ako. Pagsubok lang 'to!

"What are you looking at?" naguguluhan niyang tanong.

Tumingin ang mga mata niyang animo'y may matindi akong sala sa batas. His eyes redirect to what I'm looking for, yumuko siya at tinignan rin ang gitna ng hita niya. Fuck ka talaga, Elisha!

Mabilis akong umiwas at tumalikod dahil sobra na akong nahihiya. I heard his moan and then chuckled. Ilang sandali pa'y bumalot ang kanyang braso sa aking katawan, letting his huge things in between throbbing to my butt.

"Baby..." he whispered sexily.

Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Goodness! Namamawis na ako at ganito pa ang ginagawa ni Rahim sa akin!

"S-sir, teka lang hehehe," hirap na hirap kong sabi.

"What hmm?" marahan ang kanyang boses.

"Y-yung ano mo ha...e sumasagi sa pwet ko," I said uncomfortably.

Imbes na lumayo, sa sobrang gago 'tong boss ko, mas lalo pang diniin ang sarili sa akin. Kaya tuloy ramdam na ramdam ko ang matigas na bumubundol sa likod ko. As in, matigas na! Wow, napatayo ko pala?

"Elisha, my room is very huge and dark." he said meaningfully.

Umiling ako at agad na tinanggal ang kanyang braso sa akin. Nakangisi siya pero ang kanyang mga mata ay nangungusap na hindi ko alam kung bakit.

"Magluluto lang ako." pagdadahilan ko.

He smirked.

"Sige tumakas ka ngayon, next time sa kama na kita ikukulong." he said while grinning.

Umiling-iling ako at napabuga ng malalim. Gaga ka talaga, Elisha! Napatayo ko ang ano niya! Napatayo ko ang kanyang shit, hindi ko masabi!

I tried to concentrate, nagluto ako ng pagkain. Yung madali lang kasi hindi pa rin talaga ako maka-move on sa eksena kanina.

Inhale, exhale.

Alam kong yummy talaga siya. Ang lakas ng sex appeal niya. Tapos daks pa yata si boss? Gagi extra large nga condom niyan nung nakita ko e! Ibig sabihin, wasak ka talaga kapag mapasukan ka niya!

Kumusta kaya yung mga babaeng dinala niya dito? Nakalakad pa kaya sila pauwi? I'm sure, wasak na wasak ang mga iyon! Thinking of it makes my heart a bit alarmed.

May karanasan na si Rahim sa mga babae. He bedded women for pleasure. Hindi siya inosente sa mga bagay na iyon. Samantalang, ako kahit halik ay hindi ko pa nagawa sa sarili ko. Yung halik na hahalukayin yung bunganga ko.

Kung sana nalang natapos ko yung college noon, baka maayos na ang trabaho ko ngayon. Pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral. Magkaroon manlang ng diploma para sa sarili ko. Iyon ang bagay na kaya kong ipagmalaki sa sarili ko. At hindi ko alam kung maaabot ko pa iyon.

Napahinga ako ng malalim. Hindi pa naman huli ang lahat? May panahon pa para mag-aral diba? Hindi naman paunahan makapagtapos ng pag-aaral? May nauuna pero pwede pa ring humabol diba? Pwede pa naman siguro akong matapos sa college ko?

I remember my old friends. Graduate na sila ngayon. May sari-sariling mga buhay na. Propesyunal na ang mga iyon at baka kapag magkita kami, hindi na ako pansinin.

Bigla akong nakaamoy ng pagkain na sunog, napabalikwas ako sa kinatatayuan ng makita ang usok galing sa kawali.

Hala! Nasunog pa yung pritong isda na niluluto ko! Kaka-drama ko 'to e! Tinignan ko ang isda, nagmistulang uling ang kulay. Pwede pa naman 'tong ipa-ulam kay sir Rahim? Pwede pa hihi.





---
A. A | Alexxtott

Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon