Kabanata 17
Natapos
I was with him the whole day. Nandito lang kami sa penthouse, naglalambingan pagkatapos landian naman. Depende sa trip namin pero madalas nauuwi sa kama. Nababahala na nga ako baka makabuo na kami. Hindi pa naman siya gumagamit ng proteksyon.
Pero masarap rin naman kasi kung walang suot na condom kaya ine-enjoy ko. Tsaka hindi naman siguro agad ako mabubuntis? Hindi naman ganoon at wini-withdraw ni Rahim kapag nilalabasan na siya.
Tulad nalang ngayon, wala na naman kaming ginawa kundi magniig sa kama. Kakatapos lang namin kumain kanina tapos ngayon, kaming dalawa naman ang nagkainan. Napapaisip na talaga ako sa sarili ko.
"Hindi ka nagsusuot ng condom. Baka mamaya, mabuntis ako." pabiro kong sabi.
Hinalik-halikan niya ang pisnge ko. Nasa kama pa rin kami at para siyang ahas kung yumakap sa akin.
"Edi masaya kung mabuntis ka. Magkakaroon na tayo anak." sagot niya.
Mahina kong hinampas ang kanyang dibdib. Siraulo! Iyon nga yata ang plano niya. Inaaraw-araw ba naman kasi ako!
"Nagpapa-aral pa ako ng mga kapatid ko noh! Bawal pa akong mabuntis agad. Tsaka bata pa ako para doon." I fireback.
Muli niyang hinalik-halikan ang pisnge ko. Adik na yata 'to sa paghalik.
"Hindi na ako bata kaya kailangan ko na rin ng anak. Ikaw lang din naman ang magdadala ng mga anak ko e." he said excitedly.
Umirap ako. Jusko naman! Hindi pa nga ako ready sa ganyan. Tsaka kailangan ko pang maging mayaman. Hindi porket boyfriend ko ay mayaman, titigil na ako sa pangarap na maging mayaman rin. Hindi ganoon. Kailangan magpatuloy pa rin sa pangarap.
"Ewan ko sayo, Rahim." iyon nalang ang nasagot ko.
Muli kong naisip ang tawag ni Tita Adah. After that call, hindi na ulit siya tumawag o nagparamdam sa amin. Baka mali naman ako ng iniisip? Hindi naman siguro mag-iisip ng ganoon si Tita Adah sa akin.
It was another day when we decided to visit his office. Kasama niya ako. Magkahawak kamay kaming naglalakad papunta sa kanyang opisina. Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga empleyado sa akin pero hindi ko na 'yon pinansin. Nagtataka siguro sila kung bakit nandito ako at kung sino ako?
"Baka new fling ni sir Rahim?"
Rinig kong pag-uusap ng dalawang babae sa labas ng cubicle. Nandito ako sa CR. May sariling banyo naman sa office ni Rahim pero nahihiya ako dahil may meeting siya ngayon.
"Siguro. Ngayon ko lang nakita 'yon e. Ang cheap naman ng flavor of the day ni sir. Yung bet kong ka-fling niya noon si ma'am Sabrina." tugon nung isa.
Napalunok ako. Sabrina Lim.
"Baka ngayong araw lang 'yan. Bukas expired na kay sir Rahim. Alam naman nating hindi nagtatagal ang babae sa kanya." the other girl seconded.
Alam nilang ganoong lalaki si Rahim. Alam nilang hindi nagkakaroon ng relasyon si Rahim sa mga ka-fling niya. Kaya ngayon, laking pagtataka nila kung bakit nandito ako at kasama niya ako.
"Sabagay. Golden pussy today, expired pussy tomorrow!" halakhak ng dalawang babae.
Napahinga ako ng malalim. Hindi ko na sila narinig. Tapos na yatang mag-usap sa akin. Ngumiti ako ng malungkot sa harap ng salamin. Iba pa rin talaga ang tingin nila kapag mahirap ang babae. Si Sabrina Lim, mayaman, anak ng businessman, may negosyo at kilala ng mga tao dito bilang sikat na ex-fling ni Rahim. Samantalang ako, personal assistant lang, pinatos pa.
BINABASA MO ANG
Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceStatus: Completed Start: November 16, 2022 - November 30, 2024 Alam ni Elisha Mathilde na ang kanilang buhay ay hindi katulad sa ibang tao. Simula ng magkaroon ng isip, alam niya ang kalakaran ng buhay. Her mother taught her that life must be proces...