Kabanata 9

300 23 1
                                    

Kabanata 9

Matindi


Maingay ang auction dahil sa mga bigatin na panauhin. Napapatigil talaga ako sa tuwing may papasok sa entrance at ingay ng media ang naririnig ko. Though yes, kabado ako dahil hindi ko naman alam ang mangyayari sa ganitong event. This is actually my first time.

May mga bisitang nasa politika. Iba naman ay mayayaman rin katulad ni Rahim. Sa table namin, kasama ang dalawang mag-asawa na kilala ng boss ko.

"It's nice to meet you, Elisha right?" marahang sabi ng magandang babae.

Shookt! Sino 'to? Parang artista ang mukha. Ngumiti rin ang isa pang babae na nasa table rin namin. They were talking earlier, halos sabay rin sila kasama ang asawa nila.

"Y-yes... Hi?" nahihiya kong sagot.

Truthfully, nakakahiya talaga. I mean, these people are rich and known to be on top. Kaya laki ang gulat ko at kasama ko sila dito ngayon.

"I'm Olivia Villiones, this is my husband, Willan." she introduced herself.

Ngumiti ang lalaking kanina pa nakayakap sa kanyang baywang kahit nakaupo na ito.

"I'm Sharina, this is my husband too, Tarius Almuevo, Rahim's cousin." pagbati rin nung isang babae.

Oh, they are Olivia and Sharina, and their husbands name is Willan and Tarius. Wait, Sharina mentioned that Rahim and Tarius are cousins? Is that legit? How come?

"He's my cousin. Kapatid ni Papa ang papa niya." bulong ni Rahim sa akin.

Napalunok ako. Kaya pala medyo may resemblance si Tarius kay Rahim ng kaunti. Kulot nga lang ang buhok ng boss ko at medyo dark ang aura kaysa kay Tarius.

"Hello po, nice to meet you all. I'm Elisha, the personal assistant of Rahim, my boss." sagot ko, medyo shy pa.

Napanganga si Olivia at Sharina sa akin. Animo'y nagtataka sa sinabi ko. Anong nakakataka sa sinabi ko?

"Wait, you mean personal assistant?" si Sharina.

I nodded and smiled.

"Yes po! Bakit?" sagot ko.

Ngumisi ang dalawang lalaki sa tabi ng babae. Anong nakakatawa? At bakit ganyan ang reaksyon nilang dalawa? Bakit parang nakakabigla ang sinabi ko? Mga OA naman!

"I thought, you are his girlfriend--"

"Hon, it's okay. It's their privacy." tigil ni Willan sa kanyang asawa.

Umiling si Olivia.

"Hon, alam kong privacy nila 'yon. Okay sige." ngisi ni Olivia.

Nakita ko kung paano tumingin si Willan sa kanyang asawa, hinalikan pa nito ang ulo bago natapos ang usapan.

"Pero antehmarie, ang ganda mo ah!" sabi ni Olivia sa akin.

Nagtaka ako sa kanyang sinabi.

"Elisha name ko po." sagot ko, naguguluhan.

Nagkatinginan si Sharina at Olivia at sabay pang tumawa. Mga baliw ba 'to?

"Gaga, hindi niya gets humor natin, antehmarie!" Sharina laughed.

Anong nangyayari sa kanilang dalawa? Okay lang ba sila?

"Sorry ha, ganito lang talaga kami ni Olivia." Sharina shared.

Ngumisi ako ng hilaw kasi naguguluhan ako. Ano bang pinagsasabi ng dalawang 'to? Mga baliw ba napangasawa ni Willan at Tarius?

"Ganito lang kaming mga veveeh!" segundo ni Olivia.

Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon