Kabanata 8
Buhay
It was a busy day for me. After days of staying in the penthouse, inanunsyo ni Rahim na may event daw kaming pupuntahan. Hindi ko alam kung saan at anong event iyon. Aniya'y special party daw? Nino? Invited siya at isasama niya ako.
Medyo nagulat lang ako sa part na isasama niya ako. I'm not related to that person na nag-invite sa kanya. Baka mamaya, night of tycoons pala iyon. Anong mukha ang ihaharap ko doon?
"Sir boss, pwedeng huwag nalang sumama?" I asked him.
Mamayang gabi ang party. May dumating na mga panauhin kanina, bitbit ang susuotin daw namin. Not really a fan of luxurious dress.
"Nope. Sasama ka." he said firmly.
The heck?
"E, hindi ko naman kilala yung mga tao doon. Tsaka anong gagawin ko? Dapat dito nalang ako, maglilinis at magbabantay ng penthouse mo." katwiran ko.
Ngumuso siya.
"So, penthouse ang babantayan mo at hindi ako?" he fireback.
Nawalan ako ng boses. Shit! Na-hit ako sa sinabi niya ah! Tama nga naman noh? Siya ang kailangan kong bantayan pero mas gusto kong manatili dito sa penthouse niya. Ewan ko ba. Di ko lang feel ang mga mayayaman sa event party.
"Pero kasi..."
"Your dress is ready, Isha. Your make-up artist will be here anytime soon. No alibis." he cut me off.
Umikot ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Ba't ba kasi pupunta pa doon? Ang gulo rin nitong amo ko e!
"Stop rolling your eyes at me. Dudukutin ko 'yan." sa nang-aasar niyang sabi.
Mas lalo akong tumaray sa kanya. Wala naman akong magagawa kundi sumama kasi nga naman, siya dapat ang bantayan ko hindi ang penthouse.
Saktong alas-kwatro ng dumating ang make-up artist na kinuha niya. I'm really in shock right now. Hindi ko bet ang party na mga ganito. Ngumiti ang baklang kinuhang make-up artist.
"Swerte mo teh, Rahim Almuevo na 'yan oh!" aniya sa akin.
Anong pinagsasabi nito?
"Masarap ba sa kama? Balita ko, nakakabaliw daw yan lalo na sa kama! Naku!" hindi pa tumigil.
"Bakit mo naman yan sinasabi?" tanong ko.
Ngumisi ang bakla.
"Naku, kunwari pa! Daks yan! Sabi ng minake-apan kong client, naging ka-fling siya noon. Halimaw daw sa kama ang Lolo mo!" he said gayly.
Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. What the hell? Well, I know that Rahim is actually freaking hot. Kahit mga simpleng suotan nito, hot na hot talaga siya. Pero ngayon, nalaman kong ganoon siya kahalimaw sa kama, it makes me wonder, gaano nga ba? Masubukan nga? Char!
"Talaga ba? Baka hindi 'yan totoo."
Umiling siya at nagsimulang maglagay ng foundation sa mukha ko.
"Gaga! Totoo 'yon! Notorious playboy 'yan. Spoiled pa kasi nag-iisang anak lang. Saang lupalop ka ba pinanganak at hindi mo yan alam?" baklang-bakla ang kanyang pagkakasabi.
Natawa ako. Gagi talaga ang mga bakla! Nakakatawa silang kasama.
"Dyan lang sa tabi-tabi." sagot ko.
"Ay nakakatawa teh! Tawang-tawa ako HAHAHA." sumakay pa nga sa kabaliwan ko.
Pareho na kaming tumatawa ngayon. Ang gaan niyang kausap at kasama. Hindi ako nakaramdam ng awkward sa aming dalawa.
"Pero kidding aside, ang hot talaga ni Rahim noh? Grabe rin yung atake ng kulot niyang buhok sa kanya. Bahay na bagay ba!" pagki-kwento niya pa.
BINABASA MO ANG
Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceStatus: Completed Start: November 16, 2022 - November 30, 2024 Alam ni Elisha Mathilde na ang kanilang buhay ay hindi katulad sa ibang tao. Simula ng magkaroon ng isip, alam niya ang kalakaran ng buhay. Her mother taught her that life must be proces...