Rahim

234 28 10
                                    

Rahim



I run as fast as I watch her bleeding and lifeless. Nanginginig akong hinawakan ang kanyang ulo upang imulat ang kanyang mga mata pero labis na lamang ang takot na bumalot sa akin ng makita at maramdaman na baka hindi ko na siya maisalba pa.

With my fears invading my heart and my mind, I scope her immediately, duguan na rin ako pero wala na akong pakialam pa sa sarili ko. Unti-unti, naramdaman ko ang pamamanhid ng katawan sa sobrang takot. Takot na sa mga oras na ito, baka mawala sa akin ang babaeng minahal ko ng ganito. Takot na ngayon ko lang naramdaman. Ayoko. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.

"B-baby, wake up please? Please? Don't give up on us? Please?" pagmamakaawa ko sa kanya.

Nasa kandungan ko siya habang nagmamaneho ako. Nanginginig ang kamay ko sa takot pero hindi ko na iyon inisip pa. Kailangan ko siyang madala sa hospital. Kailangan nilang magamot ang girlfriend ko! Kailangan nilang isalba ang buhay ng magiging asawa ko!

Unti-unting namumutla ang kanyang labi. Tuluyan na akong kinain ng sobrang takot. Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko habang sinasakop ng matinding takot ang sistema.

Mabilis kong hininto ang sasakyan sa hospital at walang alinlangan na nilabas si Elisha.

"Tulungan niyo ako! Please!" I shouted.

Agad na dumalo ang doctor sa hospital na napuntahan ko. Bitbit ang pag-asa na mabubuhay siya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Umiiyak na ako at natatakot sa mga mangyayari.

Ang laki kong gago! Bakit hindi ko nalang siya pinilit na sumama sa amin ni CK. Bakit pumayag akong maiwan siya sa bahay namin! Bakit naging kalmado ako na baka hindi gumawa ng kahit ano ang kalaban ko! Tangina. Kasalanan ko 'to! Sa oras na mawala sa akin si Elisha, alam kong hinding-hindi na ako makakabangon pa ulit. Hindi na ako magkakaroon ng pag-asa sa buhay ko!

"Bakit hindi niyo kasama si Elisha?" tanong ni Mama.

Kakarating lang namin sa mansyon at gusto nilang makasama si CK ngayon. Gusto ko naman sana isama ang Ina ng anak ko kaso ayoko siyang pilitin. Alam kong mas gugustuhin ni Eli na manatili sa bahay at maghintay sa amin.

"Magluluto ng pagkain namin mamaya." sagot ko.

She sighed.

"Pwede namang dito nalang kayo kumain. Your father will cook our dinner." she offered.

"Uuwi kami pagkatapos nito, Mama. My wife is waiting for us." sinagot ko siya.

Tumango naman si Mama at kalaunan ay nilaro si CK. I was busy trying to call her but she didn't pick up my call. Baka busy na? Nagluluto na ba?

After trying to call her, binaba ko muna ang phone at inisip ang gagawing proposal kay Elisha.

Truthfully, I want to marry her. Hindi lang ako nag-propose nung nagkita kami kasi alam kong galit siya sa akin at baka mabigla sa mga gagawin ko kaya inisip ko muna ito ng mabuti. Wala naman na akong ibang babae na gustong dalhin sa altar. It's only her.

Tumunog ang phone ko sa isang tawag. Tinignan ko ang screen ng phone at nakita ang numero ng daddy ni Sabrina. Why is he calling?

Sinagot ko ang tawag.

"Rahim! Go on your girlfriend now! My daughter will kill her!" iyon ang bungad sa akin.

Nanigas ako sa tono at sinabi ng daddy ni Sabrina. What?

"Are you serious---"

"I am fucking serious! Sabrina is losing her mind now! She wants me to hire a man to kill your girlfriend but I didn't listen to her and now, she will do it by herself---"

"Tangina!" I cut him off.

Mabilis akong tumayo at tinakbo ang pintuan. Tinignan ko si Mama na ngayon ay nagtataka sa kilos ko. Namumutla na ako. Ang takot at kaba sa dibdib ay naramdaman ko na.

"Mama bantayan mo muna si CK. I need to go home now." nagmamadali kong sabi.

Nataranta na rin siya pero umalis na ako. Tinakbo ko ang kotse at sunod-sunod na mura ang lumabas sa bibig ko. I need to be home! She will fucking kill Elisha! I know her! I know Sabrina too well! She is crazy! Kaya niyang gawin 'yon ng walang pag-aalinlangan.

May kutob na ako kanina pa lang pero hindi ko 'yon pinansin. Ayaw ko siyang pilitin na sumama kasi ayokong maramdaman niyang binabalewala ko ang kagustuhan niya. Gusto kong maging maayos ang lahat kasi gusto ko na ring mag-settle down sa buhay. I want a peaceful life with my family.

May kasalanan rin ako kung bakit naging ganito si Sabrina. Alam kong spoiled siya ng kanyang pamilya at lahat ng gusto niya ay nakukuha. Pero hindi ko siya hahayaan na saktan ang pamilya ko. Not my girlfriend!

Fuck!

Pagka-park ng kotse sa bahay, tatlong sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko. Natigilan ako at nakita ang pinto na bumukas. This can't be happening! Not her! No! Fuck!

"Anong nangyari, Rahim?" dumating si Mama at Papa sa hospital.

Napatakip ng bibig si Mama ng makita ang dugo sa damit ko. Agad siyang niyakap ni Papa. Umiling ako habang nakatulala sa pinto ng emergency room. Hindi pa lumalabas ang doctor na tumingin sa kanya.

"Hinuli ng mga pulis si Sabrina. Nasa custody na siya ng otoridad. Kumusta si Elisha?" tanong ni Papa.

For the first time in my life, ngayon lang ako nanghina ng ganito at hindi pa napigilan ang sarili. Bumagsak ako sa sahig habang iniisip ang mga mangyayari sa girlfriend ko. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko. My heart is aching right now. Natatakot ako. Sobra.

"M-mama hindi ko kakayanin. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa amin. Hindi ko kaya." I cried.

Agad akong niyakap ni Mama. She even caressed my back to ease the pain I feel right now.

"Shhh, she will be okay, anak."

"H-hindi ko kaya, M-ma. Ako nalang sana. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Ayokong mawala siya sa akin." umiiyak ko pa ring sabi.

Lumabas ang doctor, may dugo sa kanyang kamay siguro dahil sa ginawa kay Elisha. Tumayo ako at hinarap ang doctor. He sighed deeply and the sadness on his face is evident.

"Time of death, 7PM. We did everything to save her. I'm sorry, sir."

And with that, everything becomes dark.





---
A.A | Alexxtott

Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon