Kabanata 18

362 24 1
                                    

Kabanata 18

Dahilan



I should think about the Tita Adah statement when she called that morning. Hindi ko alam kung bakit hindi ko 'yon pinaglaanan ng pansin gayong ramdam kong may ibig sabihin siya sa mga salitang iyon. Nakakabahala. At ngayon, nadagdagan ang pagkabahala ko dahil sa mga naririnig na usapin tungkol sa akin.

This afternoon, she called again. May kakaiba talaga sa boses ni Tita Adah na nagbibigay kaba sa akin ngayon. Hindi ko lang alam kung ano 'yon pero kinakabahan ako. Tanda ko lang ang kanyang sinabi sa akin.

"Huwag mong gagamitin ang anak ko para sa pang-sarili mong gusto." she reminded me of those words.

Wala akong ibang gusto kay Rahim. Wala akong gustong kunin sa kanya. Hindi ko gusto ang kanyang kayamanan. Hindi ko gusto ang kanyang pera. Hindi ko ba alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Feeling ko, baka iniisip ni Tita Adah ay gusto ko si Rahim dahil sa pera nito?

Mukha akong pera pero marunong naman akong maghanap no'n. Hindi ko kailanman gugustuhing lumapit sa isang lalaki para lang makakuha ng pera.

Wala ngayon si Rahim. May business trip siya sa Europe at hindi ako sumama. Gusto niyang kasama ako pero tumanggi na ako kasi nakakahiya naman kung nandoon ako tapos siya naman ang kailangan. Malungkot pa 'yon nung umalis kasi limang araw siyang wala.

"Hello, baby?" on his husky voice.

Napahinga ako ng malalim. Tumawag siya sa unang araw niya sa Europa.

"Yes po?"

"Are you okay there? You should come with me here." bakas ang pag-aalala sa kanyang boses.

I smiled.

"Okay lang ako dito. Tsaka mabilis lang naman ang meeting niyo diba? I should stay here. I'm waiting for you." sagot ko.

He sighed heavily.

"I missed you already." malungkot ang kanyang boses.

"Miss na rin kita. Uwi ka pagkatapos dyan."

"Opo, baby. Sige na, I'll finish this business trip immediately. I love you." aniya sa kanyang marahan na boses.

Para na namang kabayo ang puso ko sa bilis ng kabog.

"Bye na po." sagot ko.

I ended the call, nakangiti pa rin ako pero ilang sandali pa'y muli siyang tumawag.

"Hello?" bungad ko.

He sighed deeply.

"May problema ba tayo?" nag-aalala ang kanyang boses.

Ngumiti ako. Actually, malungkot nga mag-isa dito ngayon. Nagdalawang-isip na ako dahil ganito pala ang pakiramdam kung mag-isa tapos matagal mawawala yung taong palagi mong kasama.

"Wala naman po."

"Why didn't you say I love you too?" rinig ko ang pagkabahala sa kanya.

Pinigilan ko lang tumawa ngayon. Baka marinig niya at kung ano-ano ang isipin pa nito.

"Huh?" tanong ko.

He sighed again.

"I love you." he whispered softly.

My heart crumbled again.

"Bye---"

"Are you mad at me? I said I love you, why did you not say it back?" he cut me off.

Tumigil muna ako sandali. Natatawa talaga ako pero yung puso ko tumatalon-talon sa saya.

"Again, I love you..." aniya sa mas pinalambing na boses.

I smiled widely.

"I love you too." sagot ko.

Doon palang siya nakahinga ng malalim. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Uuwi ako pagkatapos ng business trip ko dito. I miss you so much. Bye for now." he bid his farewell.

Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. Ngayon, ramdam ko ang pagsisisi dahil hindi ako sumama. Pero siguro okay na rin ito para makapag-focus si Rahim doon. He needs to be on that trip for their business.

Inabala ko nalang ang sarili sa paglilinis at pag-aayos ng penthouse. Sa sumunod na araw, ganoon pa rin ang ginagawa ni Rahim. Tumatawag siya at nag-uusap kami halos isang oras. And take note, tatawag siya pagkatapos ng meeting nila, tapos tatawag siya kapag nagigising siya sa umaga.

Natutuwa lang ako kasi sobrang connected pa rin kami sa isa't-isa. Hindi 'yan natutulog na hindi muna kami nag-uusap.

Sa huling araw niya sa Europe, nag-video call kami. Gabi na doon at umaga naman dito. Nakahiga ako sa kama niya at siya naman ay nasa hotel. Nagkatitigan kami sa screen.

"Miss you." he whispered.

I smiled. He looks tired. Pero guwapo pa rin. I took that opportunity to stare at his face that long. Sobrang guwapo talaga.

"I'm gonna take a shower and then I'll talk to you." paalam niya.

Tumango ako. Tumayo mula sa kama at naghubad ng kanyang boxer sa harap ko. Napanganga ako ng hinayaan niyang makita ko ang kahubdan niya. Parang wala lang sa kanya at lumapit pa talaga sa camera. Napalunok ako habang nakatingin sa kanyang kahabaan.

"Maliligo lang ako, baby. Stay here." he said sleepily.

I nodded and then smiled at him. Tsaka palang siya umalis at naiwan akong nakatingin sa kanyang hotel room. Napahinga ako ng malalim habang naririnig ang ingay ng shower. Maluwag ang room na kinuha niya. King bed size at maganda ang design. Habang nakatingin ako sa room niya, narinig ko ang katok mula sa kanyang pintuan.

At first, inisip kong baka bell boy na maghahatid ng pagkain pero nakailang katok lang 'yon bago bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Sabrina sa kuwarto niya. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa babaeng pumasok doon.

Anong ginagawa niya sa kuwarto ni Rahim? At teka, nandoon rin siya sa Europe? You mean, the whole five days ni Rahim sa Europe, nandoon na siya? Are they seeing each other there? Hindi 'to sinabi ni Rahim sa akin. He didn't mention that Sabrina was part of that business trip. Wala siyang sinabi sa akin.

"Babe?" Sabrina's soft voice.

Unti-unti akong kinain ng pait sa narinig. Fuck!

"Are you in the shower? Can I come in?" she said softly.

Hindi niya napansin na nandito ako at naka-video call kami ni Rahim. Ngayon, iba't-ibang scenario ang tumatakbo sa isip at puso ko. Hindi ko namalayan ang luhang pumatak sa mga mata ko.

"Babe? Can we do it again? I really missed your kiss last night. Sobrang gigil mo sa akin kagabi." humalinghing ang kanyang boses.

Ayoko ng marinig pa ang kanyang sasabihin kaya pinatay ko ang video call at natulala saglit sa higaan. Namanhid ang katawan ko at sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko. I don't want to think the other way but the words that Sabrina said makes my heart bleed right now.

Napaupo ako sa kama at hindi na napigilan ang sarili na umiyak. Sa lungkot na nararamdaman ko dahil ilang araw wala si Rahim, sa mga gabing mag-isa ako sa higaan namin, lahat ng 'yon bumuhos at hindi ko na napigilan pa ang sarili. I cried.

Ilang oras akong umiyak habang paulit-ulit tumunog ang phone ko sa tawag. Hindi ko masagot kasi hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang sinabi ni Sabrina. Mali ba ang desisyon kong hindi sumama? Mali ba ang pinili kong desisyon?

Mabilis akong tumayo mula sa kama dahil bumabaliktad na ang sikmura ko at nasusuka ako. Mabilis akong humarap sa lababo at doon nagsuka ng tubig. Sunod-sunod 'yon at muli akong naluha dahil sa pagsusuka.

After calming myself, napatingin ako sa salamin, namumutla ang labi ko. Hindi ko alam anong nangyayari sa akin pero natatakot ako. Sumabay pa talaga itong biglaan kong pagsuka sa nangyari kanina. Mas lalo tuloy akong naiyak sa hindi malamang dahilan.





---
A.A | Alexxtott

Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon