Kabanata 13

282 20 3
                                    

Kabanata 13

Tears


Pagod kong pinagmasdan ang TV pagkatapos ng shift ko sa restaurant. Nagpapahinga lang ako para sa isang oras na lunch break. Pagod ako sa dami ng customer namin ngayon. Season na kasi at kailangan maging maayos ang pagta-trabaho namin para hindi matanggal sa trabaho.

Tinignan ko ang balita sa TV. Hindi ko inaasahan na siya ang bubungad sa akin sa news. Tinignan ko ang kanyang mukha ng maigi. Sa tagal na ng panahon, marami na rin talagang nagbago sa kanya. Marami ng nawala at nagbago. Ramdam at alam kong nagbago na siya.

Ngumiti ako ng malungkot.

I did not betray him for the money. Wala akong pakialam sa pera niya. Sa yaman nila. Wala akong pakialam sa kung ano mang meron siya. What I wanted from him is the love that he shared with me. Sobrang sakit lang na hinarap ko ang mga paratang niya na hindi naman totoo.

Hindi ako mukhang pera. Hindi ako naghahabol sa kayamanan niya. Hindi ko 'yon ambisyon.

"Mr. Almuevo, what can you say about the expansion of your family business?" tanong sa kanya ng reporter.

Paunti-unti, tumulo ang luha sa mata ko habang nakatitig sa kanya. This is not the Rahim I've known. Ang daming nagbago. The way he stares, the way his eyes look at you, his aura, it's all dark.

"It's great. Actually, the expansion of our business is one of my dreams. These things that happened to our business are worth the risk." he said coldly.

Tumango ang reporter.

"About your engagement to Miss Sabrina Lim, what is the preparation? When is the date?" the reporter asked him again.

That's the truth. Rahim Almuevo is already engaged. Sa tagal ng panahon, alam kong magpapakasal rin siya sa mayaman na katulad nila. I am nowhere to be part of his world. Alam ko 'yon. Alam ko ang agwat naming dalawa. That the part of his world will never accept me. Kaya nung nagkagulo na noon, alam kong ikakabagsak ko 'yon.

Sadly, I am still in love with him. Sa mga salitang natanggap ko sa kanya noon, sa mga paratang, sa pagtalikod at hindi pagtitiwala sa akin, minahal ko siya, at mahal ko pa rin siya. Late ko na 'yon na-realize. Yung nawala na kami, doon ko na naramdaman ang lahat. Ang sakit. Ang hapdi.

Ngayon, he will marry Sabrina Lim. One of the richest women in their circle. Bagay na bagay sila. Parehong mayaman.

"Lahat ng mga 'yon ay binigay ko kay Sab. She will be the one who'll decide on our wedding." he said lovely to his fiance.

I smiled, sadly.

"And my fiance has a good taste when it comes to fashion and design. I'll leave it to her." he added.

Ganyan nga, dyan ka nararapat. Dyan ka dapat. Hindi ako bagay sa katulad mong mayaman. Masyadong mataas ang pangarap ko at hinding-hindi ako nararapat dyan, sa mundo mo.

"Oh, that's great! Anyways, thank you for the information. Hope you enjoy the party!" iyon ang sabi ng reporter.

He just smiled and then walked away. Kasama niya ang fiance niya. May mga pictures na silang dalawa magkasama. Sila pa yata ang cover ng party na iyon. It's an auction night. Gaya nung dati, ako yung kasama niya no'n.

I was there, it was rare, I remember it all too well.

"Isha?" tawag ng manager.

"Yes, sir?"

Lalaki ang manager namin sa fine restaurant na ito. Mabait naman si sir Austin, binata rin at maayos ang buhay.

"Kumain ka na?" he asked me.

I nodded. Sabi ng iba, gusto ako ni sir Austin. Kaya daw mabait sa akin kasi may gusto raw. Hindi ko naman 'yon binibigyan ng pansin lalo pa't busy ako sa pagta-trabaho.

"Tapos na po." sagot ko.

He smiled.

"Anong oras out mo?"

Umupo na siya sa tabi ko. Nasa rest area kami. May TV, sofas and table. Kapag naka lunch or break kami, dito ang tambayan ng mga workers.

"5PM pa sir."

He nodded.

"May sundo ka ba? Gagawin after your shift?"

Kapag nagkakasabay kami dito, palagi kaming nag-uusap. Marami siyang naki-kwento sa akin tungkol sa buhay niya. Hindi siya breadwinner ng pamilya pero tumutulong siya sa kanila.

"Duty sa bar." mahina kong sagot.

"I see. Nagpapahinga ka pa ba? It seems you take your rest on another work. You should take a break sometimes." he advised.

Tumango lang ako. Hindi naman ako nahihiya or naiilang sa kanya. He's been very friendly. Kaya hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang may gusto sa akin si sir Austin.

"Nagpapahinga naman sa pagtulog. Mahirap kasi kung titigil sa buhay." sagot ko.

"Mahirap magkasakit habang naghahanap buhay, Isha. Katawan at kalusugan natin ang lubos na apektado dito. I really admire you as being so workaholic but sometimes, rest is not a sin." he advised again.

I smiled at him.

"Anyways, see you around." paalam niya.

I smiled at him. Nanginig ang cellphone ko dahil sa tawag ni Mama. Agad kong sinagot ang tawag.

"Hello? Ma?" bungad ko.

I heard her deep sighed.

"Hinahanap ka." she said worriedly.

Ngumuso ako. Hindi ko tuloy mapigilan na maiyak na naman.

"Sabihin mo busy pa ako. Tsaka may work pa." mahina kong sabi.

"Palagi ka namang busy." si Mama.

I sighed deeply.

"Ma, kailangan magtrabaho." tanging nasabi ko.

"Hija, huwag mong patayin ang sarili sa pagta-trabaho. Hindi naman ibig sabihin na nagpahinga ka, mahina at naiwanan ka na. Anak, pasensya na at ikaw lang ang naging lakas ko sa mga panahon na nawala ang Papa mo. At ngayon, ikaw pa rin ang nandito sa akin." she said weakly.

"W-wala 'yon Ma. Para sa inyo, lahat gagawin ko." mahina kong sagot.

Ayokong maging mahina dito. Ayokong umiyak ng umiyak sa nangyari sa buhay ko. Ayokong ipakita na malungkot ako at pagod na ako. Ayokong maging mahina. Hindi pwede. Hindi ako pwedeng maging mahina.

Kaya pagkatapos ng shift ko sa restaurant, agad akong umalis at pumunta sa lugar kung saan naglalabas ako ng sama ng loob. Walang tao pero sobrang tahimik at nakikita ko ang liwanag ng syudad.

Isa-isang pumatak ang luha ko at umiling sa aking sitwasyon.

"Putang ina pero gusto ko ng sumuko sa buhay na 'to! AHH! PAGOD NA AKO!" sigaw ko habang umiiyak sa madilim na lugar.

Binuhos ko lahat ng luha at hinanakit sa puso ko. Lahat ng nararamdaman ko sa puso ko ngayon. Lahat ng mga nawala sa akin. Sinigaw ko habang mag-isa ako dito.

Hindi ko matanggap na masaya na si Rahim sa bago niyang babae at ikakasal na sila. Hindi ko matanggap na nangyari sa buhay ko 'to! Hindi ko matanggap na ako ang naging talo sa huli. Hindi ko matanggap na naiwanan ako. Na nandito pa rin ako, hindi nakausad. Hindi ko matanggap. Hinding-hindi ko matanggap na yung lalaking mahal ko, pagmamay-ari na ng iba.

"FUCK THIS LIFE!" I shout at the top of my lungs.

Umilaw ang cellphone ko at muling tumawag si Mama. I had no choice but to stop my crying and answer my mother's call.

"H-hello?" utal kong bungad.

"Iyak Mama ko?" his little cute voice that makes my heart stop from the pain.

I shook my head and my tears started again.





---
A.A | Alexxtott

Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon