Kabanata 16

319 20 2
                                    

Kabanata 16

Paano


"Hija, I want to talk to you." malamig na bungad ni Tita Adah sa kabilang linya.

After our hot sex, nauna akong nagising kay Rahim. Mahimbing pa ang kanyang tulog at ayokong istorbohin iyon. Nagising rin ako sa ring ng cellphone kaya sinagot ko ang tawag. I didn't know it was Tita Adah on the other line. Napagtanto ko lang nung nagsalita siya.

"Ano po 'yon, Tita?" I asked her.

Hindi ganito magsalita si Tita Adah. She's sweet and kind. Ngayon, I feel like I'm talking to a different version of her. Nakakakaba.

"I heard some news about you and my son. I don't want to intrude but I cared for my son. Do not fool him, Elisha." naririnig ko ang kanyang hikbi sa kabilang linya.

What? I don't get it. Bakit ko naman lolokohin si sir Rahim? Para sa ano?

"If you are using him just for his money, please, get out of his life. My son will be doomed if he will know about this." aniya sa umiiyak na boses.

"W-wait...hindi ko po kayo maintindihan, Tita? Hindi ko po ginagamit si sir Rahim para lang sa pera—"

"I hope so. If you don't love him, get out of his life." she said while crying.

Hindi na ako nakasagot dahil pinutol niya ang tawag. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Tita Adah sa akin. Anong lolokohin? I won't fool sir Rahim! Tsaka wala akong intensyon sa pera niya.

Wala akong pakialam sa pera niya. At hindi ko kailanman ginusto na makuha ang pera niya. Yes, I'm eager to be rich but not in bad way. Gusto kong yumaman dahil sa pinaghirapan ko hindi dahil sa maling paraan. Ambisyosa akong babae pero hindi ako gagamit ng tao para lang makamit ang gusto ko.

At hinding-hindi ko 'yon magagawa kay Rahim. These past few days, sa paulit-ulit naming ginagawa, ramdam ko ang kaligtasan sa kanya. I felt the safeness. I felt the love and warm of him. I felt something that I can't even name. I felt it. Hindi ko lang masabi kasi natatakot ako. Natatakot akong magbigay ng pangalan sa nararamdaman ko kasi first time ko ‘tong maramdaman. Pero ramdam ko. Sobrang nararamdaman ko na siya sa puso ko.

Pagdating ng gabi, may pinuntahan kaming birthday party ni Rahim. He was invited and he bought me too. Hindi ko nga lang alam kung paano makikihalubilo sa mga taong nandito sa birthday.

"Happy birthday, Mr. Lim." bati ni Rahim sa matandang may kaarawan.

Ngumiti ito at nakipagkamayan sa kanya. Meanwhile, I was silent and being so attentive to all the visitors who are here. Hindi ko sila kilala pero dahil sinama ako ni Rahim, aayusin ko ang galaw.

"It's nice to see you here. Have you seen my daughter? She's here." ani ng matanda.

"Hindi pa po. But I'm glad she's here. Anyways, I would like to introduce my woman—"

"Rahim?" napatingin kami sa babaeng tumawag sa kanya.

She was beautiful. Iyon agad ang pumasok sa isip ko habang nakatingin sa kanya. She's not familiar but I guess, they know each other?

"Hi, Sab." Rahim said formally.

Ngumiti ang babae. She looks like a barbie. Ngayon ko lang din siya nakita.

"Oh my gosh! You're here! Hindi kita mapuntahan sa penthouse mo kasi mahigpit ang security sa lobby niyo. Anyways, I'm glad to see you here." she said womanly.

Lumapit siya kay Rahim kaya napabitaw ako sa braso niya at nakita ko kung paano dumampi ang labi ng babae sa kanyang pisnge. Bigla akong nanlamig at nakaramdam ng pagsikip sa dibdib. Who is she?

Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon