Kabanata 15

339 23 3
                                    

Kabanata 15

Magkasama


He seems dark and mad. Iyon ang nakikita ko sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. He locked the door. Hindi ko alam kung para saan ang pag-lock niya ng pinto. At hindi ko rin alam kung bakit nandito siya. Malakas ang tambol ng puso ko ngayon. Kabado dahil pagkatapos ng ilang taon, ngayon nalang ulit kami nagkita.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at tinapos ang pag-aayos ng damit. Hindi naman matatanggal ang basa sa damit ko kaya hindi ko rin maintindihan kung bakit patuloy ako sa pagtatanggal. Napalunok ako ng makita sa gilid ng mata ang kanyang paghakbang palapit sa akin.

Calm down, Elisha! Bulong ko sa sarili kahit alam ko namang hindi kakalma ang puso ko ngayon. Napatingin ako sa salamin at nalaglag ang panga ng makitang nasa likod ko na siya. Madilim pa rin ang kanyang mga mata at umiigting ang panga. Napalunok ulit ako. I need to compose myself. But I couldn't move or stop feeling this nervous inside my heart.

Nilagay niya ang panga sa balikat ko at niyapos na ako ng mahigpit na yakap. Pakiramdam ko, isang panaginip ito at nakakatakot ng gumising pa. Mula sa salamin, namuo ang luha sa mata ko pero pinipigilan kong umiyak kasi nasa likod ko siya.

Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang yakap. Hindi ko kayang hindi umiyak lalo pa't sa nakalipas na taon, sobra akong nangungulila sa kanya. Yumuko ako dahil tumulo na ang luha sa mata ko. Hindi ko nga napigilan pa.

Mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit. Ramdam ko na ang paghinga niya sa akin. Bakit niya ako niyayakap ng ganito? Bakit nandito siya at ganito ang ginagawa?

"I don't want to forgive you because you fooled me. Hanggang ngayon, mahalaga pa rin sayo ang pera?" he said deeply.

Inangat niya ang ulo ko kaya nakatingin na ako sa kanya sa harap ng salamin.

"You fooled me because of money. You want my money. You want to take all my money. You fooled me because of my wealth." sa kanyang malamig na boses.

My tears continue to fall. Sobrang babaw ng luha ko.

"Look at me now, Isha. Wala akong ibang hinangad kundi mahalin mo lang ako pabalik. All I want is your love. I don't care about my money. Pero hindi mo 'yon mabigay sa akin kasi pera ko lang ang habol mo." he added.

Umiling ako habang umiiyak. Gusto kong magpaliwanag kaso noon nung ginawa ko sa kanya 'yon, hindi niya ako pinakinggan.

"Kaya kitang pahirapan. Kaya kong sirain ang buhay mo, buhay ng Mama at kapatid mo. Kaya kong manira ng buhay pero alam mo, hindi ko 'yon magawa sayo." pagpapatuloy niya sa pagsasalita.

He wiped my tears. Umiiyak lang talaga ako. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko na rin gusto pang magpaliwanag. Ayokong maging kawawa sa paningin niya. Naghihirap na nga ako sa buhay tapos iyon pa ang makikita niya sa akin.

"You really know how to make my fucking heart melts." malutong ang kanyang mura.

He kissed my neck slowly and sighed. Nagkatitigan kami sa salamin. Sobrang lalim ng kanyang mga mata habang tinititigan ako. Nakakatunaw at nakakatakot.

"Kailan mo ako ipapakilala sa anak ko?" he said warnly.

Dito na ako nawalan ng lakas upang magsalita. Alam niya!? Alam niyang may anak kami? Kailan pa? Kailan niya nalaman na may anak kami? Shit!? Oh! My! God!

"My son doesn't even know my name, Isha. Ganoon ka ba talagang kawalang puso para hindi ako ipakilala sa anak ko?"

Umiling ako at humarap sa kanya. Nakakulong na ako sa kanyang katawan at magkaharap na kami. Igting na igting ang kanyang panga habang madilim ang mga mata.

Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon