Kabanata 19
Iiwan
He didn't tell me that Sabrina was there either. Sa mga araw na nagkakausap kami, wala siyang sinabi tungkol kay Sabrina. At hindi ko alam kung bakit hindi niya 'yon sinabi. Is he cheating on me?
After that call, hindi niya na ako tinawagan. At kahit nung pauwi na siya, hindi na rin ako nakatanggap ng tawag mula sa kanya. Limang araw lang siya doon. Ang sabi niya pagkatapos ng business trip niya, uuwi agad siya pero anong araw na ngayon. Ikasampung araw na ito at wala pa rin siya. Hindi manlang nagsabi kung extended ba ang business trip niya doon.
Wala akong idea kung nasaan na siya. Hindi ko alam. At mas lalo akong naguguluhan kasi maya't-maya ang pagsusuka ko. Ramdam ko rin ang panglalanta ng katawan at pakiramdam ko'y sobra akong pagod. Hindi naman ako makalabas ng penthouse niya kasi baka mamaya dumating siya na wala ako at maghanap.
Tulad ngayon, nasa harap na naman ako ng lababo at suka ng suka. Lahat ng mga nilalabas ng bibig ko ay tubig. Naluluha na rin ako sa pagsusuka. Tinignan ko pa ang mukha sa salamin, pumayat na rin ako. Ang laki na ng pinayat ng katawan ko. As much as I want to consult a doctor, hindi ko magawa kasi hindi naman ako makapagpaalam kay Rahim.
Nasaan na kaya siya? Uuwi pa ba siya? Magkasama pa rin ba sila ni Sabrina? Nagkabalikan na ba sila? Sawa na ba siya sa akin? Ayaw niya na ba akong makita? Hindi na ba siya uuwi?
Sa huli, sunod-sunod na luha ang lumabas sa mga mata ko habang iniisip ang mga iyon. I'm really frustrated right now. Hindi ko manlang malaman kung nasaan na siya. Hindi ko matawagan ang kanyang phone. Hindi ko alam ang nangyayari. Hindi ko alam kung saan ba ito papunta.
Napatingin ako sa cellphone ko. Nag-ring iyon kaya agad kong sinagot. Hindi ko manlang tinignan ang caller.
"H-hello?" bungad ko.
"Pack your things. Pagdating ng anak ko, your contract will end." si Tita Adah iyon.
Naguluhan ako.
"Tita---"
"Do not call me Tita! Wala akong kilalang manggagamit na katulad mo! Social climber! Gold digger!" she said coldly.
She ended the call. Hindi ako nakapagsalita at naiwan sa dila ang sasabihin ko. Ang ibig niya bang sabihin ay aalis na ako dito? Inuutusan niya akong ayusin ang mga gamit ko at pagdating ni Rahim ay matatapos na daw ang kontrata ko? Paano? Hindi ko nga makausap si Rahim. Hindi nga siya matawagan sa phone niya. Kasama niya si Sabrina. They are doing that thing again?
Buong gabi ko 'yon inisip hanggang sa dumating ang panibagong umaga at puro pagsusuka ang nararamdaman ko. Ubos na ang lakas ko at hindi ko alam ang gagawin. Pinilit kong kumain para manlang magkaroon ng lakas pero sinusuka ko lang. Hindi ko manlang maubos ang gatas na ginagawa ko. Nahihilo na rin ako.
Anong gagawin ko ngayon? Hindi ko sinunod ang utos ni ma'am Adah sa akin. Kailangan ko munang makausap si Rahim. Kailangan kong matanong kung ano ang nangyayari sa aming dalawa.
Sumapit ang gabi kaya naghanda ako sa pagtulog. Pagkatapos kong titigan ang cellphone ng ilang oras, nagpasya akong matulog. Sa paghakbang ko mula sa inupuang sofa, bumukas ang pinto ng penthouse at una kong nakita si Rahim, kasunod si Sabrina at panghuli si ma'am Adah.
Mabilis na nawala ang bigat na nararamdaman ko nung makita ko siya. Ngumiti pa ako kahit alam kong pangit na ako ngayon dahil sa hindi malamang nararamdaman. Lumapit ako at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. Hindi ko pinansin ang dalawang tao sa likod niya. Nakangiti ako. Masaya dahil nakita ko ulit siya.
Sobrang guwapo niya. Nung napatingin ako sa kanyang mga mata, ramdam ko ang kalamigan doon. Ngumiti pa rin ako at hinaplos ko ang kanyang mukha ngunit hinawakan niya ang kamay ko at tinulak ako palayo sa kanya. Agad akong nakaramdam ng takot at kaba. Sa nakikita ko sa kanyang itsura ngayon, kakaibang Rahim ito.
BINABASA MO ANG
Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love (HANDSOMELY COMPLETED)
Storie d'amoreStatus: Completed Start: November 16, 2022 - November 30, 2024 Alam ni Elisha Mathilde na ang kanilang buhay ay hindi katulad sa ibang tao. Simula ng magkaroon ng isip, alam niya ang kalakaran ng buhay. Her mother taught her that life must be proces...