Kabanata 4
Never
Tinatak ko sa isip ang kanyang schedule para kapag dumating ang mga araw na sinabi niya, hindi na ako magulo. Ngayong araw ay nasa condo niya lang kami. Nasa kwarto siya habang nasa sala naman ako. Pinapalipas ko lang ang oras kasi kakain na kami.
Dumating na rin pala ang ATM card ko. Kasama ang payslip na labis kong kinasaya. Grabe, totoo nga talaga ang sweldo ko. 150k ang nasa loob ng payslip. Akala ko talaga hanggang ngayon ay nananaginip pa rin ako. Pero totoo na ito.
Naisip kong hatiin ang sweldo. Ibibigay ko kay Mama ang 50k para sa bahay, mag-iipon rin ako para kapag in case of emergency, may magamit ako. May ibibigay rin ako sa mga kapatid ko, allowance nila sa pag-aaral. Sa susunod na buwan, ang makukuha kong sweldo ay ipapasok ko sa magiging ipon ko.
In this way, magkakaroon ako ng pera at maipapagawa ko ang bahay namin. Kailangan kong lang manatili dito hanggang sa mabuo ko ang naiisip na target para sa ipon ko. Marami akong balak gawin. Gusto kong magpatuloy sa pag-aaral pero uunahin ko muna ang mga kapatid ko. Kailangan nilang matapos bago ko isipin ang sarili.
Bukas ay maghuhulog agad ako kay Mama ng pera para magamit nila. After my thoughts, lumabas si Rahim na bagong ligo at amoy na amoy ko ang panglalaki niyang bango. Mabilis akong umiwas ng tingin dahil baka sabihin niyang natutunaw ako sa kanyang itsura ngayon.
Grabe naman pala kasi ang anak ni Tita Adah. Kung hindi ako nagtitimpi baka mabilis akong bumigay sa kanya. Pero hindi pwedeng mabasag ang iniingatan kong imahe sa sarili. I set my goal. I should focus on it. Baka kapag magpadala ako sa nararamdaman, masira ang lahat ng plano ko.
"Kumain na tayo." seryoso kong sabi.
Tumango siya at ngumiti sa akin. Nauna akong naglakad papunta sa dining habang nakasunod siya sa akin. Umupo ako at ganoon din siya. Medyo may layo kami sa isa't-isa pero sa kanyang katawan, animo'y ang lapit naming dalawa. We pray before we eat.
Sweet adobo ang niluto kong ulam. Isa sa paborito niyang ulam 'yon. Kumain kami ng tahimik. Habang tumatagal, nagsasalita na siya.
"Since you are gonna live here with me, tell me about yourself." he asked in the middle of supper.
Napahinga ako at tumingin sa kanya. Ayoko siyang sagutin dahil hindi ko naman 'yon responsibilidad pero ayoko ring maging bastos kaya sasagutin ko nalang.
"Bago ako mapunta dito, ang naging trabaho ko ay sa bar. Isa akong cigarettes seller doon at maraming lalaki ang gustong bayaran ang serbisyo ko. I work hard for my family. May tatlo akong kapatid na pinag-aaral ko. Tinutulungan ko si Mama sa lahat ng gastusin dahil wala na kaming Ama na siyang katulong niya. Mahirap mabuhay pero nagpapatuloy pa rin ako kasi may mga kapatid akong umaasa sa akin." naging mahina ang boses ko.
Hindi nagbago ang expression ng kanyang mukha. It was still firm and serious.
"You work in a bar?" tanong niya.
Oh gosh, sa haba ng sinabi ko, iyon lang ang napasok yata sa kanyang utak.
"Kakasabi ko lang sayo, Rahim."
Dumilim ang anyo ng mukha niya.
"Nahawakan ka ba ng mga lalaki doon?" aniya sa malamig na boses.
Kumunot ang noo ko sa kanya. What the heck? Bakit nagtatanong siya ng ganoon? Syempre sa bar ang trabaho ko kaya may ganoong situation pero hindi naman ako nahihipuan o nahahawakan sa pribadong parte ng katawan ko.
"Malamang may mga nahahawakan sa akin pero-"
"What's the name of the bar?" ngayon nakakatakot na ang kanyang boses.
Nalaglag ang panga ko. The heck?
"Ano ka ba, imbestigador? It's none of your business." mariin kong sinabi.
He sighed. Hindi pa rin nawawala ang marahas niyang anyo.
"I'll find that bar and I will make sure to drop it in my hands." he said coldly.
Hinampas ko ang kanyang balikat kasi hindi na ako natutuwa. Shit, hindi pa naman 'to marunong magsinungaling. Si Madame X! Baka kapag gawin 'yon ni Rahim, magalit sa akin si Tita Xenia.
"Hindi ako natutuwa sa banta mong 'yan, Rahim!" sa kabado kong boses.
He smirked devilishly.
"Hindi ka na rin aalis dito. You signed the contract right?"
What the fuck?
"Hoy, ang sabi ni Tita Adah pwede akong umalis dito hanggang sa gusto ko!" asik ko.
He smirked.
"Hindi na ngayon. Hawak ko ang pirma mo, kaya gagawin ko ang gusto ko." malamig niyang sabi.
Hindi na ako nakakain kasi laman ng isip ko ang kanyang sinabi. Natatakot na ako ngayon. Tangina, ano 'tong pinasok ko?
"Huwag mo akong pagbabantaan ng ganyan! Hindi ako natatakot sayo!" galit kong sagot.
Ngumisi lang siya at kumain. Napahinga ako at umirap sa kanya. Akala niya siguro hindi ako lalaban sa kanya ha! Pwes, I will rule his life!
"Wala ka ng takas dito." nakangisi niyang sagot.
Sumagot pa talaga ha! Galit kong pinaghahampas ang kanyang balikat dahil sa sinabi niya. Hindi ako natutuwa kaya ipapakita ko sa kanya galit ko.
"Huwag mo akong ginagalit! Dyan ka na nga!" inis kong singhal.
Tumayo ako at mabilis na naglakad papunta sa kwarto ko. Siraulo nga talaga 'yon! Kung ano-ano ang sinasabi. Nagtanong pa siya kung ano ang buhay ko tapos 'yon ang gagawin niya! Kaya pala walang may pumapasok na kasambahay sa kanya kasi may saltik siya sa ulo! Buti nalang at malaki ang sahod, pagtyatyagaan ko nalang.
Kinaumagahan, lumabas ako upang magpadala kay Mama. Gulat pa ang aking Ina ng sabihin ko sa kanya ang ipapadalang pera.
"Siguro ka ba talaga sa ipapadala mo, Elisha?" in her shocking voice.
Napahinga ako.
"Oo naman, Mama. Ipapadala ko ang pera para sainyo dyan. Tsaka kailangan ng allowance ng mga kapatid ko." sagot ko.
I heard her deep sighed. Hindi yata makapaniwala sa perang meron ako.
"Baka kung ano-ano na ang ginagawa mo dyan, Elisha. Hindi importante ang maraming pera, basta buo pa rin ang dignidad mo." aniya sa seryosong boses.
"Ma, ano ka ba, Oo naman. Wala akong ginagawa dito. I'm working for our family. Tsaka magtiwala lang kayo sa akin."
She sighed. I know that she might think about the money. Kung saan ko ba ito nakuha at kung bakit ganoon kalaki ang pera. Pero hindi ko naman nakuha ang pera sa maling gawain e. I will never do that.
---
© Alexxtott
BINABASA MO ANG
Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love (HANDSOMELY COMPLETED)
Roman d'amourStatus: Completed Start: November 16, 2022 - November 30, 2024 Alam ni Elisha Mathilde na ang kanilang buhay ay hindi katulad sa ibang tao. Simula ng magkaroon ng isip, alam niya ang kalakaran ng buhay. Her mother taught her that life must be proces...