Kabanata 20

358 35 5
                                    

Kabanata 20

Start



Pagod ang buong katawan ko sa nangyari sa bar. Gusto kong matulog at magpahinga ngunit kailangan kong harapin ang lalaking kasama ko ngayon. Ayoko mang umiyak pero hindi ko magawang pigilan ang sarili. Hindi ko kayang hindi umiyak. I need to release the pain inside my heart.

After what I had experienced, ganito na lang ang mangyayari? Tatanggapin ko nalang ba siya agad-agad? Lahat ba ng mga sinabi niya sa akin noon ay balewala nalang?

Hindi 'yon nawala sa isip at puso ko. No matter how hard I tried to forget and move on, it didn't stop. Siya ang una kong minahal na lalaki. Wala akong ibang minahal bukod sa anak ko ngayon kundi siya. But the time I needed him to believe in me, he didn't believe.

Tinapon niya lang ako na parang basura. Tinapon niya lang ako na parang laruan niya.

"You have the right to know my son. You're the father after all." malamig kong sabi sa katahimikan.

Nasa biyahe pa rin kami. I heard his deep sigh.

"Yes, I am his father. I have the right to be his father." he said back.

"Ipapakilala kita sa kanya. From there, you can meet and be with him but it will end there. May sarili akong bahay dito, if you want my son to live with you, it's not a problem. I can visit---"

"What are you talking about?" he cut me.

Napatingin ako sa kanya. He's driving.

"Hindi ako titira sa penthouse mo. I can live on my own. I can visit my son whenever I want. Hindi ko ipagdadamot si CK sayo." straight to the point.

He stop the car inside the park base. Napalunok ako at umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ako magpapadala sa kanyang kilos, gagawin at mga salita.

"Hindi ako papayag. Gusto kong magkakasama tayong tatlo. We will build---"

"Hindi mo ba naiintindihan, Rahim!? Hindi mo ba talaga kayang intindihin lahat ng mga pinagdaanan ko huh!? Sa mga nangyari sa akin noon!? Hindi mo ba 'yon naisip?" sumigaw na ako.

Nakatingin siya sa akin. Nakatingin siya sa mukha ko. Mukha nung tinawag niyang basura noon. Mukha nung pinagbintangan nilang magnanakaw. Isa-isa tumulo ang luha ko. Sa pagod. Sa panghihina. Sa mga naranasan ko. Lahat ng 'yon, pakiramdam ko ngayon gabi bumuhos.

"Alam mo sa ating dalawa, ikaw yung walang puso! Sa ating dalawa, ikaw yung makasarili! Kung tutuosin, kaya kong hindi buhayin ang anak ko dahil yung lalaking gumawa no'n ay tinaboy ako at hindi pinaniwalaan e! Kaya ko 'yon gawin pero Rahim, hindi ako masamang tao! Hindi ko gagawin ang ginawa niyo sa akin! Hindi ko 'yon gagawin sa anak ko!" I burtsout.

Sunod-sunod ang luha ko. Hinayaan kong bumuhos iyon. Kailangan kong maglabas ng sama ng loob ngayon. Kahit ngayon lang. Kahit manlang maibsan ang nararamdaman kong bigat.

"Paano mo nakayang gawin 'yon sa akin huh!? Pilit kong sinasabi sayo na malinis ang hangad ko! Ni piso o anumang meron ka ay hindi ginusto! Wala akong gusto sa kayamanan mo! Nagbaka sakali akong magpaliwanag sayo pero hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag." umiiyak pa rin ako.

Nakatitig siya sa akin.

"Imagine, yung lalaking una kong minahal, tinapon lang ako na parang basura. And worst pa, tinawag akong magnanakaw! Hindi ako magnanakaw! Hindi ako basura! Hindi ako mukhang pera!" isa-isa kong sigaw sa kanya.

Hinayaan niya lang ako sumigaw at umiyak. Pinagmamasdan niya lang kung paano ako umiyak sa kanyang harapan. Hinayaan niya ako.

"Si CK, yung anak ko, alam mo bang tanggap niya ako bilang Ina niya. Hindi niya ako hinusgahan. Minahal niya ako. Tinanggap niya ako ng buong-buo. Pero hindi ako madamot na Ina para tanggalan ka ng karapatan sa kanya. You deserves to have him. Pero hinding-hindi ako papayag na tumira sa penthouse mo." lintanya ko.

Kumalma naman na ako pero masakit pa rin ang nararamdaman ng puso ko. Nasasaktan pa rin ako sa nakaraan namin. Nandito pa rin yung kirot sa puso ko. Masakit pa rin pala.

"I know that I have fault too. Sarado ang isip at tenga ko para pakinggan ka noon. I know it was mistakes to make me mad at you. I should have listen first before jump into conclusion. May kasalanan rin ako sa nangyari sa atin at alam kong iyon ang kinagagalit ng puso mo sa akin." he said calmly.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Tumulo na naman ang luha sa mata ko.

"I let Sabrina fooled us. Hinayaan ko siyang paniwalaan ang mga sinasabi niya. Hindi ako naniwala sayo kasi sobrang sakit na malaman kong pera ko lang ang habol mo at hindi mo ako mahal. I fucking love you so much that I can kill myself. Sobra akong nagsisisi. Sa lahat ng nangyari. Sa paniniwala ko. Sa pagtakas sa katotohanan. Sa pagiging duwag." he stop.

Rinig na rinig yung hikbi ko sa loob ng sasakyan niya. Umiiyak talaga ako ngayon. Ang sama-sama ng nararamdaman ko.

"It was all a show up. Huli ko na nalaman nung nawala ka na at kinasusuklaman mo na ako. I'm sorry for everything. I'm sorry for my actions. I'm sorry if I didn't believe you. I'm sorry and I hate myself too." he held my hand.

Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa kanya. Namumula ang kanyang mata at alam kong iiyak na rin siya. Nung nagkatitigan kami, tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya. Lumapit siya sa akin at marahan na dinampian ng halik ang labi ko. It was so tender. Tumigil ako sa pag-iyak at nawala sa pagiging emosyonal dahil sa kanyang halik. Nang humiwalay siya, pinatong niya ang noo sa noo ko.

"I want a new start with you, with our son. I want to build a family with you. I want to make all the wrong decision right with you. Can we start again? Can we try again? I promise, this time, I won't screw up. I won't never let you and my son lose again, please?" he begged.

Hindi ko alam ang isasagot pero sobrang gumaan ang pakiramdam ko ngayon. Unti-unti, lumuwag at nakahinga na ako ng maayos. Nawala ang bigat ng nararamdaman. Gumaan ang lahat.

"Can we start again... please?"






---
A.A | Alexxtott

Chasing Series 4: Ruling Ruthless Love (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon