Rue's POV
Alam kong hindi sapat ang paghingi ng pasensya kay Miss Fernandez, kailangan kong umisip ng pwedeng gawin upang hindi maguilty sa aking aksidenteng nagawa sa kanya.
Siguro ay aayain ko nalang na kumain sa labas o kaya naman ay bibilhan ko siya ng bulaklak with a message na nags-sorry ako.
Hay bahala bukas, itutulog ko muna ito.
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha, tiningnan ko kung anong oras na.
I was shocked when I saw the time and realized I was running late. I rushed to the bathroom, took a quick shower, and then sped to school on my bike.
Bakit ba lagi na lang akong late?
Buti nalang at hindi si Miss Fernandez ang professor namin ngayon kaya safe ako dahil walang detention slip na makukuha. Mabait ang prof na natapat kaya kahit late ako ay madali lang akong nakapasok.
Pagkatapos ng klase ay tinawagan ko si Ate Evelyn, tinanong ko kung pwede niya ba akong ibili ng white tulips at ipinalagay ko na rin sa locker ko.
Vacant time namin ngayon, kaya may oras ako upang gumawa ng sorry letter kay Ma'am. Kaso hindi ko alam paano.
'Miss Fernandez, I'm really sorry ikaw naman may kasalanan e tatawid ka ng hindi tumingin sa dinadaanan mo'
'Patawarin mo ako Ma'am, ingat ka na next time ha, ayokong may mangyari sayo. Gusto ko satin lang'
'Ma'am sorry kung nafall ka tapos hindi kita nasalo hayaan mo next time hindi ka pa naf-fall, nakayakap na ako sayo'
Ang dami nang pilas sa papel na sinusulatan ko, hindi ako nas-satisfied sa mga sinusulat ko. Ang iba pa ay puro kalokohan, baka lang lalong magalit si Miss Fernandez sa akin.
'Please accept my sincerest apology for the accident I caused you, take care, Ma'am.'
Ito nalang ang ididikit ko doon sa white tulips na binili ko, baka mainis pa pagdinagdagan ko e.
Nang maayos ko na ang pagsulat ng message ay inilagay ko na roon sa bulaklak, iiwan ko nalang ito sa desk ni Ma'am.
I waited until the professors took their lunch break so no one would see me enter the faculty. I quickly found Ma'am's table and left it on the side where she could see it.
Pagkatapos noon ay umalis na ako at hinanap ang dalawang ugok. Nakita ko silang naghahampasan, kailan ba sila titino? Joke.
Pinuntahan ko silang dalawa kaya tumigil na sila napag-alaman kong nag aaway sila sa isang burger, parang mga bata!
Nauna na rin sila dahil may mga klase pa ang dalawa at ako naman, pumunta ako sa likod ng eskwelahan. Kakaunti lang ang tao rito at kung minsan ay wala pa, sinasabi nila na creepy daw ang lugar na ito but I find it beautiful.
Dito may peace ako, pwede lahat ng gusto kong gawin. Minsan nagpipinta ako habang bumababa ang araw, at minsan naman ay umiidlip din dahil sa sobrang payapa rito ay hindi mapipigilang antukin.
Ngayon ay napagpasyahan kong magsocial media muna, agad bumungad sa akin mga messages nila Nikie.
TATLONG DYOSA 🙈🙈🙈
kinulang sa height:
@Venice, nasaan ka? Nandito kami sa bench ni Nikie.plywood:
@Venice namatay ka na ba?kinulang sa height:
Siraulo ka Nikie, pag namatay yan sino na manlilibre satin!plywood:
Kabobohan naman, magkatabi lang tayo pero sa chat nag-uusap?kinulang sa height:
Oo, bobo ka e. Baka nakahanap na ng fafa si Ven, hayaan na natin.plywood:
@Venice don't forget our chocolates,!Naiiling nalang ako sa chats ng dalawa, bakit ko ba sila naging kaibigan? Kaloka! I was scrolling through Facebook when Miss Fernandez's name appeared in the suggested friends, Sage Fernandez.
Wow, it's beautiful. It's not bad to have a girl crush even if you're straight, isn't it? Her face is so perfect, like a goddess.
She looks like my future girlfriend.
I was shocked by the thought and laughed to myself, if anyone heard me they might think I was crazy.
Inistalk ko si Ma'am, shit talaga napakaganda. Iniscroll ko ulit ng may biglang tumalon sa harap ko "Wahhh!! Anak ng tipaklong!" Umalis ako sa kinuupuan ko dahil sa palakang 'yon, takot ako sa palaka kasi hindi ko rin alam.
Muli kong tiningnan ang account ni Miss Fernandez, kinabahan ako ng makitang napindot ko pala ang add button. Kung ic-cancel ko ito ay siguradong makikita niya, siya pa naman next subject namin kaya dumagdag iyon sa aking kaba.
![](https://img.wattpad.com/cover/320062409-288-k916684.jpg)
BINABASA MO ANG
Prohibited Love
Romance- complete - Intersex | professor × student I got everything that I wanted, from wealth, to women, an empire and good life. But, I'm not happy. Why can't I be happy? - Geyl I merely want to live a peaceful existence, but someone entered my life and...