Rue's POV
~ after a year ~
"Hoy bakla, graduation day na!!" sigaw ni Jen sa kwarto ko, sakit na bungad sa umaga.
"Gumising ka na, mal-late na tayo." sambit ni Nikie habang unti-unting inaayos ang higaan ko.
"Gusto ko pa matulog, mga pisti kayo!!" hindi ko alam pero antok na antok pa ako.
"Gago! bilisan muna malalate na tayo!" sigaw ni Nikie sa tenga ko.
"Saan ba naman?" inis na sigaw ko rin sa kanila.
"Graduation ngayon!!" sabay nilang sigaw sa magkabilang tenga ko, shet graduation na pala.
Ha? Graduation?!?!
Nagmamadali akong maligo at mag-ayos para makarating kami ng mas maaga sa University. Pagdating namin doon fifteen minutes nalang at magsisimula na akong program, sila dad and mom sit on the side watching us.
Magkakatabi kaming tatlo, hindi ko alam ha pero proud ako kung ano yung nakamit naming tatlo, at masasabi kong deserve namin 'to dahil hindi lang naman ako yung nagkaproblema during college days, sila rin pero look where we are now.
Dean lister kami, sobrang daming pagsubok yung binigay samin bago namin makuha ang title na iyon, ang daming breakdowns at anxieties pinagdaanan pero palagi kaming nasa tabi ng isa't isa para iyakan lang iyon at kinabukasan, okay na.
"Huy, si Ellie yon diba?" nagising ako sa pagf-flashback sa utak ko ng marinig ko si Jen na may binubulong sa akin.
"Bakit siya nandito? Akala ko ba nagdrop siya?" hindi ko na iyon binulong dahil pumunta pala siya sa mga magulang niya na kakarating lang.
"May kinuha lang 'yang documents sa dean" sabat naman ni Miss Demi, potek bigla-biglang susulpot, sinong hindi magugulat sa kanya?
"And how did you know aber?" sambit naman ni Jen. Yes, it's been a year. Nagtataray pa rin si Jen kay Miss Demi,attitude talaga 'tong kaibigan ko.
"Duhh! pumunta akong Dean's office." sabi ni Miss Demi kay Jen at inirapan niya yung kaibigan ko, parang mga bata amp.
"Oh sige na, pumunta na kayo sa mga upuan n'yo." iyon ang huling sabi ni Miss Demi bago siya umalis.
"Sinong hinahanap mo?" tanong ni Jen, bakit ba naging kaibigan ko 'tong lintek na ito.
"Wala, wala."
"Huuu, si Professor Ferna-" graduation na't lahat-lahat, nang-aasar pa rin ang gago.
"Shut up." hindi ko na siya pinatapos ng pagsasalita.
"Bakit ba ayaw mo sabihin? Akala ko ba move on ka na?" move on naman na talaga ako pero hindi ko na yata kayang magcommit ulit.
"Are you really going to annoy me?" inis na anas ko sa kanya
"Of course not, sorry." sambit niya kahit na alam kong hindi sincere iyon.
~after the ceremony~
Umalis si Nikie para magrestroom at si Jen naman tinawag ng parents niya dahil may ipapakilala ata ang mga ito sa kanya.
Naglakad-lakad muna ako, medyo mahirap lang kumilos dahil nagkalat ang mga tao sa field. Naglakad pa ako ng may biglang nakabunggo sakin.
"Oh, I'm sorry for bumping on you." sabi nung nakabangga sa akin.
"No, it's okay.." tipid na sabi ko.
Tiningnan ko kung sino ang nakabunggo sakin at si Ellie pala.
"Ellie, ikaw pala."
"Oh hi Venice, nice to see you again." nginitian niya ako ngunit hindi iyon abot hanggang mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/320062409-288-k916684.jpg)
BINABASA MO ANG
Prohibited Love
Romance- complete - Intersex | professor × student I got everything that I wanted, from wealth, to women, an empire and good life. But, I'm not happy. Why can't I be happy? - Geyl I merely want to live a peaceful existence, but someone entered my life and...